Abante Tonite Interactive

Little ‘bird’ si Mr. Universe

BLIND SIDE

0 460

Tila may katotohanan ang kasabihang kapag may pinalaking parte ay inaasahang may liliit na bahagi.

Ito ang naging tukso sa isang dating naging kampeon sa Mr. Universe na pinalaki ang iba’t ibang mga bahagi ng kanyang katawan subalit nakalimutan naman ang kinagigiliwan ng kababaihan, he he he.

Minsan nang nasangkot sa pagsasampa ng kaso ang dating may pinakamagandang porma ng katawan sa mundo sa kalalakihan dahil sa pagpatol sa ibang babae ay naihayag ang kanyang perso­nalidad at pati na rin ang kanyang mga madalas gawin tuwing kasama ang karelasyon.

Inireklamo ang mahusay na body builder sa itinago nito at matagal nagpatuloy na relasyon sa kanyang pagpatol sa isa sa kanyang kasambahay.

Ang pagkakatuklas sa kanyang naging relasyon ang naging dahilan ng kanyang tunay na asawa para ihayag ang ilang personal nitong impormasyon.

Isa na dito ang hilig ng dating Mr. Perfect Body sa pagpapalaki nito ng kanyang katawan subalit hindi nito kasabay ang pagpapadagdag sa kanyang ‘pipit’.

Haaay naku, sino siya?