Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Living hindi ‘libing’ wage hiling ng mga gov’t worker

0 72

Hinihiling ng mga kawani ng pamahalaan na bayaran ng minimum wage na P16,000 ang mga nagtratrabaho sa local government unit na higit na mababa ang sinasahod kaysa sa mga nagtratrabaho sa national government.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nanawagan ang Confederation for Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees (Courage) at ng League of Local Government Units Employees (League) sa administrasyong Duterte na magpatupad ng national minimum wage na pakikinabangan ng mga maliliit ang sahod.

Sabi ni Courage national president Santiago Dasmarinas Jr., ang mga kawani ng pamahalaan ang dahilan kaya’t tuloy-tuloy pa rin ang serbisyo kayat dapat lang na bayaran sila nang tama. Dagdag nito, ngayon umano ang tamang panahon para ipaglaban ang karapatan nila bilang mga manggagawa sa public sector. Aniya, living wage ang kailangan nila hindi ‘libing’ wage. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.