Abante Tonite Interactive

Livingston pinakawalan na rin ng Golden State

0 537

Mukhang matatapos na ang era ng Golden State Warriors team na nagkaroon ng tatlong kampeonato sa National Basketball Association.

Iwe-waive na ng Warriors si veteran guard Shaun Livingston, isa sa pinakaimportanteng bench player sa 2015, 2017 at 2018 championship ng Golden State.

Sa limang taon ni Livingston sa Bay Area, limang beses ding umabot ng Finals ang Warriors. ‘Di siya naging starter ng Golden State.

Nauna nang nawala si Andre Iguodala, binitawan na rin si Quinn Cook. Lumipat na ng Brooklyn si Kevin Durant, bagama’t sa huling dalawang titulo lang siya nakasama nang maging back-to-back Finals MVP pa.

“Sources: Warriors are wai-ving guard Shaun Livingston, who is guaranteed $2M of his $7.7M salary for season,” tweet ni Adrian Wojnarowski ng ESPN.

Dinagdag ni Wojnarowski na determinado pa rin lumaro ng 33-anyos na veteran guard, nakakapag-deliver kapag tinawag kaya siguradong ‘di mawawalan ng manliligaw.

Nakawalong teams si Livingston bago kinuha ng Warriors. Pigil ang laro dahil sa knee injury na inabot sa kaagahan ng career, pero naging asset ng Warriors si Livingston sa kanyang liderato sa court maliban sa versatility ng laro.

Pagputok ng balita, sinaluduhan ng Warriors fans ang veteran.

“Thank you Shaun Livingston for helping us win three NBA titles,” tweet ng Warriors Nation.

“Shaun Livingston. Solid Warrior. Salute,” post ng isang @BekeGSW.

Isa pang fan ang nag-tweet: “Losing Shaun Livingston makes me feel for the first time the Warriors dynasty might be in jeopardy. Honestly, this hurts me more than KD or Iggy.” (VE)