Abante Tonite Interactive

Liwanen niligtas ang ‘Pinas sa pagkabokya

0 829

Niligtas ni Estie Gay Liwanen ang bansa sa pagkabokya sa medalyang ginto sa PH 30th Southeast Asian Games 2019 kurash competitions Martes sa Laus Group Events sa San ­Fernando City, Pampanga.

Ang mga kakuwadra ni ­Liwanen mga nakuntento sa dalawang silver at apat na bronze medal para pumangatlo ang ‘Pinas sa nasabing sport.

Dinemolis ni Liwanen sa gold meatch si Shifa Khasani ng Indonesia, 5-0.
Dinomina ng Vietnam ang kurash sa nasikwat na pitong gold sa 10 pinaglabanan.

Nagtala ng impresibong ­panalo sina Bui Minh Quan, Duc Dong, Ngoc Son, Nguyen Thi Lan at Ho Thi Thinh upang isubi ang pitong gold, isang ­silver at dalawang bronze ­medals ng Vietnamese.

Nasa pangalawang puwesto ng medal tally sa kurash ang Thailand, kumolekta ng 2-2-4 gold-silver-bronze. (Elech Dawa)