Abante Tonite Interactive

Liz magbabalik-showbiz

648

Nasaan na nga ba ngayon ang isa sa mga sexy stars of the ‘80s na si Liz Alindogan na kapanabayan noon nina Carmi Martin, Anna Gutierrez at Yehlen Catral sa “Dolphy’s Angels”?

Si Liz ay isa sa mga discovery noon ng Comedy King na si Dolphy na isa noon sa mga modelo ng Carlo Finioni.

Matapos mapanood si Liz sa “Dolphy’s Angels” movie ng yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr. (FPJ) ay agad isinama si Liz sa “Ang Panday” movie ni FPJ and his leading lady at naging sunod-sunod na rin ang pagiging in-demand niyang kapareha ng mga lead actor.

Dahil uso noon ang sexy movies, hindi rin nakaiwas si Liz sa paggawa ng mga sexy films tula ng “Heartache City” with Maria Isabel Lopez, “Escort Gils” with Jaclyn Jose, “Unang Karanasan” with the late George Estregan, “Company of Woman” with the late Mark Gil, “Nakaw na Sandali” with Ronaldo Valdez at marami pang iba.

Nagkaroon sila ng relasyon ng aktor na si Jess Lapid, Jr. at nagkaroon sila ng dalawang anak. Pero nang magkahiwalay sila ni Jess ay nakapag-asawa si Liz ng isang successful businessman sa katauhan ni Benny Kho. Biniyayaan sila ng apat na anak na lahat ay nakapagtapos ng kanilang pag-aaral.

“Now that my children are all grown up, puwede ko na sigurong balikan ang showbiz,” pahayag nito. “Payag naman ang husband ko kasi hindi na alagain ang mga anak namin.”

Alamin ang buong kuwento ng buhay at buhay pag-ibig ni Liz sa “Celebrity Talk” online show ng Abante Tonite na matutunghayan sa website, Facebook at YouTube channel bukas, Lunes mula alas-12 ng tanghali hanggang ala-1 ng hapon.

Mon parang anak ang
turing sa baby ni Ynez

Hindi ikinakaila ng sexy actress na si Ynez Veneracion na tumagal ng almost 17 years ang naging relasyon nila ng character actor na si Mon Confiado pero tulad ng ibang relasyon ay nauwi rin ito sa hiwalayan.

“Sa almost 17 years naming relasyon, never siyang nag-propose ng marriage at never din naming pinag-usapan ang tungkol sa pamilya. Pero higit pa roon, hindi nawala ang kanyang pagiging chickboy,” pag-amin ni Ynez.
“Ako na ang kumawala nang ma-sense ko na mukhang walang patutunguhan ang relasyon naming dalawa,” kuwento pa ni Ynez.

“Pero ang maganda lang sa paghihiwalay namin, walang away at walang sumbatan at naghiwalay kaming magkaibigan pa rin,” patuloy ni Ynez.

Katunayan, nag-uusap at nagkikita pa rin sina Ynez at Mon.

Madalas pa ngang hinihiram nito ang anak ni Ynez sa isang prominent politician sa south para ipasyal.

“Very close si Mon sa anak kong si Princess Keilah at parang anak na rin ang turing niya sa anak ko,” dugtong pa ng singer-actress.

Sa ika-39th birthday ni Ynez na ginanap sa Delmos in Greenhills na pag-aari ni Ana Abiera ay dumalo si Mon.

“Hindi kaya sa ending ay kayo pa rin ni Mon?” tanong namin kay Ynez.
“‘Yan ang ‘di ko masabi,” diin niya.