Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza abay sa kasal ni Hopia

0 59

Nag-post si Liza Soberano ng wedding videos ng dating Goin’ Bulilit star na si Trina “Hopia” Legaspi sa kanyang Instagram account.

Ikinasal na kasi ang dating actress sa kanyang longtime boyfriend na si Ryan Jarina kamakailan.

Nagpasalamat naman ang Kapamilya actress kay Hopia dahil siya ang napili nitong maging abay.

Basa naman ng mga netizen ang excitement ng actress sa kasal ng kaibigan.

Next na kaya si Liza pagdating sa kasalan?

Matatandaang sa isang panayam ay nabanggit ng aktres na napag-uusapan na rin nila ni Enrique ang tungkol sa pagpapakasal.

May mga humihirit namang kung sakaling ikakasal si Liza ay isa ito sa pinakamagandang bride.

Kuya Kim stress na ikumpara kay Ka Ernie

Naging panauhin ni Matteo Guidicelli sa kanyang podcast na Mattruns si Kuya Kim Atienza.

Ayon kay Kim, malaking pressure raw para sa kanya na na-molde siya para sundan ang yapak ng namayapang Ernie Baron.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil tinaguriang walking encyclopedia si Ka Ernie, hindi maiaalis na maikumpara siya sa orihinal na Trivia King.

Kapag daw kasi may mga nagtatanong sa kanya, ini-expect daw ng mga ito na may handa na agad siyang kasagutan.

Aniya, nakatulong daw na mahilig siyang magbasa at manaliksik kaya naitatawid niya na sagutin ang impromptu questions sa kanya.

Plus factor din daw na retentive ang kanyang memory.

Gayunpaman, inamin niya na hindi siya perpekto dahil may mga bagay din siyang hindi alam.

Kumbaga, sa diskarte, hindi lang daw niya ito naipahahalata minsan.

Gayunpaman, kung may mga hindi raw siya direktang natutumbok, nasasagot daw naman niya ang mga ito na malapit sa katotohanan.

Tungkol naman sa pagpapalaki ng kanyang mga anak, aminadong may pagka-konserbatibo si Kuya Kim.

Iba raw kasi ang henerasyong kinalakihan niya noon kumpara sa millennials ngayon.

Medyo taboo raw sa kanya ang pagsusuot ng revealing outfit lalo na sa kanyang anak na dalaga lalo pa’t nasa poder pa niya ito ngayon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.