Abante Tonite Interactive

Liza, abot-kamay ang superstardom

By
20

NALALAPIT na ang superstardom kay Liza Soberano bilang Millennial Darna.

Paano na si Enrique Gil?

Karapat-dapat ba siyang maging love interest ni Narda?
O may ibang gusto si Direk Erik Matti para sa role?

Huwag naman sanang ibigay kay Ronnie Alonte.

Kasi, hanggang nga­yon, takang-taka pa rin ako kung bakit siya ang naging bida sa Seklusyon.

***

Ayon sa isang entertainment portal na mas maraming misses than hits, si Anne Curtis ang Valentina.

At si Inay Marya — the Diamond Star, Maricel Soriano — ang gaganap na nanay ni Narda/Darna.

Bakit si Anne?

Sablay na sablay kung siya she does not have the sophistication of the legendary Valentina for all time — si Ms. Celia Rodriguez. Hindi dapat halos kaidaran ni Darna si Valentina.

Dapat nasa age range ni Eula Valdez o Agot Isidro.

Si Soriano, bilang nanay, first time bang magkaka-nanay si Darna sa pelikula?

Kung first time, tama bang ganitong comeback role ang ibigay sa isang Maricel Soriano?

***

“Journalism kuto.”

Iyan ang tawag ni boy bansot Mo Twister kay Mocha Uson.

Say of a maricon, “Mas journalism garapata” ang apt na title para sa Mistress of Doom & Gloom.

Ang harsh n’yo naman sa kanya, char-char! Hahahaha!

Hindi kaya mainsulto ang mga kuto at garapata, kasi, they are associated with an ‘it’?

***

“Nope” ang tanging reaksyon ni Ellen Adarna sa tsikang buntis siya.

Babae si Adarna. Hindi kataka-taka kung mabuntis siya. Ngayong itinanggi na niya ang pregnancy rumor, hindi na natin tuloy malalaman kung kaninong ibon sana ang nakapuro sa Adarna ni Ellen.

***

Itinanggi rin ni Kim Rodriguez ang chismis na siya ay buntis. Ang reaction ng balana, dabarkads at madlang pipol , “Ano ang relasyon niya kina Kim Chiu, Kim Domingo, Kim de los Santos, Kim Idol, at Kim Atienza?

“Kay Kimmy Dora, meron ba?”

Ang mas mataray-taray na emotada encarnacion, “The WHO si Kim Rodriguez?”

***

Richard Guttierrez
Richard Gutierrez

“Buo na at kumpleto ang Millennial Troika.”

Iyan ang matalinhagang pahayag mula sa isang kumareng maricon na ipinadala sa aking personal message box.

Lahat sila, ka-Dos, huh!

Ang troika sa kasalukuyan ay binubuo nina Joseph Marco, Xian Lim, at Richard Gutierrez.
Ano ang common denominator nila for them to earn the bagong TROIKA title?

Dear readers, you do the algebra. You do the calculus. Isama n’yo na rin ang geometry at trigonometry.

Baka sakaling nasa mga formula nila ang sagot.

Kung ‘di n’yo pa rin mahulaan, say ni kaibigang maricon, “Ay, naku, ha?! Give away na give away na, ‘noh!”

***

Ang mensahe ni Ken Chan matapos niyang mabasa ang isinulat ko, “Ms.Alwyn, thank you dito ah. Sobrang naapreciate ko ito. Salamat.”

Kasama sa column si Xian Lim.

Ang Xian kong mahal, deadma. Walang reaksyon.

Hay, naku! Malapit na malapit na talaga kitang i-break!