Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza, Andrea, Maris bininyagan ng eleksyon

0 37

NI: VINIA VIVAR

Bumoto sa kauna-unahang pagkakataon kahapon sina Liza Soberano, Andrea Brillantes, Maris Racal, Edward Barber and Andre Yllana.

Nag-post si Liza ng larawan niya na ipinapakita ang daliring nalagyan na ng indelible ink.

“First time voter for @bise_leni!!” ang caption ni Liza.

Sa IG post din ni Andrea ay sinabi niyang bagama’t 1st time voter siya ay hindi naman siya first time na Pilipino. Hinikayat din niya ang mga katulad niya na huwag sayangin ang pagkakataong makaboto.

“First time voter? Yes. Pero hindi first time maging Pilipino.

“Para sa mga katulad ko na first time voter, wag po natin palagpasin at sayanging ang opportunity na ito na bumoto sa tama,” pahayag ni Andrea.

SM food to go Banner Ad

Si Maris naman ay napakaagang bumoto bilang first-timer nga rin siya. Ayon sa post niya, 6am club daw siya at grabe raw ang kanyang kaba

“6 am club! As a first time voter, grabe yung kaba ko. Shade properly and double check your receipts! Vote wisely,” caption ni Maris sa larawan niyang ipine-flex ang daliri na may indelible ink.

Ayon naman kay Edward sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN, hindi raw siya kasi umabot sa registration noong 2016 national elections.

“Kakaiba ‘yung experience. But I’m happy kasi for the first time, 6 yrs na ako rito sa Pilipinas and siyempre, hindi ako umabot sa last elections. I feel like I made a. . .I’ve done my part, I played my role sa history at sa future,” sey ni Edward.

Inamin din ni Andre na ninerbyos siya sa pagboto bilang first-timer nga rin siya. Kasama niya ang inang si Aiko Melendez sa pagboto sa Lagro Elementary School sa Quezon City. Tumatakbo ang aktres na Councilor sa 5th District ng Kyusi.

Pagkatapos daw niyang bumoto ay fulfilling ang pakiramdam.

“Pakiramdam ko ‘yung boto ko, may mapupuntahan,” aniya sa panayam pa rin ni MJ.

Leave A Reply

Your email address will not be published.