Abante Tonite Interactive

Liza, Angel aprub sa bagong Darna

415

Trending sa social media partikular na sa Twitter ang #Darna at #JaneDeLeon. Nag-post ng pasasalamat ang bagong Darna sa kanyang Instagram account.

Aniya, “MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA TIWALA! Pangako po pagtatrabahuhan ko po ito at ibibigay ko ang lahat.”

Sa naturang post, binati siya ng dating gumanap na Darna na si Angel Locsin.

Aniya, “Congratulations, Jane de Leon.”

Nagpasalamat naman si Jane sa pagbati ng “The General’s Daughter” actress.Sey niya, “Maraming Salamat po Ate @therealangellocsin.”

Marami naman ang natuwa kay Angel dahil sa pagsuporta niya sa bagong Darna. Siyempre, hindi nagpahuli ang dapat gaganap sa role na ito.

Binati rin siya ni Liza Soberano. Aniya, “Congratulations.”
“Thank you so much Hope,” pasasalamat ni Jane kay Liza.

Si Liza sana ang gaganap sa karakter na ito subalit nagkaroon siya ng finger injury na hanggang ngayon ay pinagagamot pa rin sa Amerika.
Nakatakdang ipalabas ang “Darna” sa darating na 2020. (Ronaline Avecilla)