Abante Tonite Interactive

Liza at Sofia sapaw ni Kylie

By
6,034

Hindi makakailang marami talaga ang sumusubaybay sa Bagani. Pinatay na si Mayari, ang katauhan ni Sofia Andres at tila patay na rin si Ganda, ang katauhan ni Liza Soberano matapos makipagbakbakan kay Sarimaw, ang katauhan ni Ryan Eigenmann. Kawalan nga ba talaga si Andres na “special participation” lang pala sa fantaserye? Ang pagkawala ba ni Soberano ay hudyat na sa Darna remake muna ang kanyang concentration? May katotohanan nga kayang Darna and the Giants ang napipisil na i-remake at i-reimagi­ne? Dahil sa kaganapang ito, ang mga talakitok ang haka-haka, tatapusin na agad-agad ang fantaserye.

Ang head writer nilang si Mark Duane Angos, ang hanash sa kanyang social media account, “Wag maniwala sa sabi-sabi. Pi­lit na pinapaiksi at pinapatapos ng kalaban.”
Kung hindi totoong magbababu na nga ito, ilang sa mga sabi-sabing nasagap ng diva that you love, wala raw pananalig ang mga taga-Bagani sa “women empowerment” dahil dalawang major female characters ang pinatay.

May kuda rin na si Kylie Padllla nga ba ang dahilan kaya pinatay ang mga characters ni Sofia Andres at Liza Soberano sa Bagani?

Siya ba ang Kapusong lilipat? Buong akala ng lahat eh si Ryza Cenon ang sure na sure na magiging Kapamilya na, paano kaya napasok si Kylie sa equation? Dahil ba ang partner niyang si Aljur Abrenica ay nasa Dos, magkakandirit na rin siya sa number one network?

Eh si URIAN winning best actress na si LJ Reyes, may interest ba ang mga taga-Mother Ignacia na pabonggahin ang karera nito just so in case magparamdam ito na bet lumipat?

Mga bagong obserbasyon sa Bagani, si Dimples Romana, si Gloria, para pala siyang si Gandalf the Grey. Prophetic ang mga aria, parang may bagong karak­ter na darating, huh!

Si Makasig Morales, bilang Dima­kulem, ang diva that you love, ang feeling ko talaga, pag nabuhay ‘yung bidang lalaki sa How To Train Your Dragon, si Makisig talaga ang kalalabasan.

May starlet na the WHO na taga-gubat, may uncanny resemblance kay Judy Ann Santos, especially nu’ng Ula days niya pa.

Ang mga sirena sa Bagani, tumbling ang kanta ha. Pagsubok lang naman mula sa Orient Pearl, iba talaga ang altered Universe na Sansinukob.

At ang katauhan ni Eigenmann na Sarumaw, hindi mas­yadong halatang inspired kay Sauron, mula sa Lord of the Rings.

At siyempre pa, kahit salbahe na si Lakam, ang katauhan ni Matteo Guidicelli, Matteo is love talaga bilang Lakam! Siya na yata ang pinakamasarap at pinakamagandang ­lalaking Bagani.

Naman!

Paul niluhuran ng bading

MAGIGING Kapuso na ba muli ang dating StarStruck Kids na ngayon ay pwedeng magka-kid na, ang super yummy na si Paul Salas? May nagsabi sa diva that you love na shoo-in na talaga ito sa Kamuning network, may katotohanan nga kaya ang chika sa akin?

Asset naman talaga si Salas, lalo na nga’t katakam-takam talaga ang katawan nitong pangromansa.

Sa isang portal nga, may bidyo ito na may maswerteng baklang mukhang babae na talagang may lips smacking sila. Sarap gurlisan! Ang bidyo, tapos sa eksenang ang bakla eh lumuhod na malapit ang mukha nito sa namumukol na crotch ni Paul. Sigawan siyempre ang mga saksi. Oh ‘di ba, marunong makipaglaro ang binatang alam mong makatas.

Kamusta naman ang pare-pare o ka-bro niyang si Daniel Padilla? Maayos ba talaga ang kanilang pagkakaayos? Friends pa rin ba sila?

Huli kong napanood si Salas sa ‘The Good Son’ at wala na akong nabalitaan pang kasunod nitong guesting o kahit na anong show? Kaya ba Kapuso na siya muli dahil kakaunti ang kanyang mga project?

Daming tanong, huh! Naway masagot ni Paul ang mga nagbabagang tanong sa tamang panahon.

Judge ng YFSFK pumayat kuno

Sa latest plug para sa Your Face Sounds Familiar Kids, si Billy Crawford, kitang-kita na pumayat. At in a major, major way ang pagpayat ha. Makakatotohanan at alam mong pinaghirapan at may disiplina sa sarili dahil nga he wants to be fit and trim para ‘pag nag-walk down the aisle siya sa kanilang kasal ni Coleen Garcia, guapo at in the best physical and emotional health siya.

Eh kamusta naman ‘yung isang judge na here, there and everywhere ang proklamasyon na payat na siya? Mukha lang ang lumiit, pero may slight double chin pa rin. Ang katawan, malapad pa rin kaya naka-black is beautiful outfit.

Siguro, sa personal, may makikitang bawas sa kanyang timbang pero sa cruel medium na telebisyon, ang lahat nagtatanong at nagtataka with matching bangs na nagdadabog, pumayat na raw siya niyan? Talaga lang ha? Stop me! Pigilan niyo ako!