Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza bet gawing luka-luka

0 100

NI: ARCHIE LIAO

May pasabog na announcement ang pamunuan ng Cultural Center of the Philippines.

Ayon sa CCP President na si Arsenio “Nick” Lizaso, plano raw nilang kunin sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Liza Soberano sa adaptation ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal.

Bagay raw ang role nina Salome at Elias sa KathNiel samantalang bet naman nila si Liza sa role ni Sisa.

Kung matutuloy raw ito, aabutin daw ito ng 12 hanggang 14 episodes.

Naisip daw nila ang tatlo dahil malakas ang drawing power nila sa millennials.

Katunayan, nakikipag-usap na raw sila sa DepEd para sa kanilang plano.

Target audience raw nito ang senior high students sa kanilang aralin o pag-aaral ng nobela ng Pambansang Bayani.

Speaking of Liza, kung magma-materialize raw ito ay siguradong acting piece ang nasabing role sa aktres.

Baka pagkakataon din daw ito na mag-shine siya on her own minus Enrique.

Leave A Reply

Your email address will not be published.