Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza bet makasama si Ice sa pelikula

0 92

NI: ROLDAN CASTRO

Open si FDCP Chairperson at CEO Liza Dino na makasama sa isang pelikula ang kanyang mister na si Ice Seguerra.

Keri raw basta matapos ang termino niya sa FDCP.

“Kung meron po akong bucket list, sana, maka-arte ako sa isang pelikula kasama si Ice,” sambit niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, bilang pagtugon sa hiling na habaan ang ika-4 na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), magaganap na ito mula Oktubre 31 hanggang Disyembre 13.

Ito’y dahil sa pagdagdag sa lineup na mayroong 170 na pelikula, at para mapaunlakan ang final fine-tuning ng ibang pelikula sa PPP Premium Selection section, extended na ang festival mula sa 16 na araw hangang 44 na araw.

Samantala, ang iba pang full-length features ay magkakaroon ng scheduled livestream screenings sa apat na virtual cinemas (na pinagalanan sa Cinematheque Centres ng FDCP). Hindi lalagpas sa anim na screenings sa bawat pelikula ang napagkasunduan ng producers at FDCP para ma-minimize ang exposure sa piracy. Ang paid scheduled screenings ay mula Nobyembre 20 hanggang Disyembre 13.

“We are listening to our subscribers, producers, and the rest of our stakeholders in order to make the 4th Pista ng Pelikulang Pilipino a more inclusive solidarity event. Aside from announcing the PPP4’s extended duration, we are also pushing forth the ‘Sama All’ spirit by offering a wide array of events to further promote Philippine Cinema, encourage more viewers to learn about the art of filmmaking, and boost the thriving PPP community,” lahad ni Chair Liza.

Inanunsyo rin ng FDCP na mayroong discounts sa Premium Festival Pass at Half-Run Pass — 30% para sa mag-aaral at 20% para sa senior citizens at persons with disabilities (PWDs). Magkakaroon din ng PPP4+1 Bundle promo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.