Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza binawalan magpasilip ni Enrique

0 99

Ni: Archie Liao

Sa pagpasok pa lamang ng Bagong Taon, kanya-kanyang pasabog ang ating local celebrities.

Nag-post si Kathryn Bernardo ng kanyang photo na naka-swimwear kasama ang kanyang boyfie na si Daniel Padilla sa isang beach.

Hindi naman nagpahuli si KC Concepcion at maging ang Megastar na si Sharon Cuneta bilang pagpa-good vibes sa 2021.

Noon naman, hinihiritan si Liza Soberano na magpasilip ng kanyang alindog at dini-dare ng kanyang mga faney na mag-bikini.

Sa halip na ibandera ang kanyang katawan, literal na ipinost ng aktres ang photo ng kanyang bikini na umani ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizen.

Sey nila, type raw nila ang pagiging witty ng girlfriend ni Enrique Gil.

Sa kanya namang birthday kamakailan, sighted sila ni Enrique sa isang beach kung saan nag-celebrate ang aktres ng kanyang 23rd birthday.

Locked in each other’s arms, 23 to infinity ang drama ng love birds.

Gayunpaman, kumpara sa mga nakaraang okasyon, kung saan ipinakita niya ang kanyang sexy bod, nabitin ang mga netizen.

May mga nang-iintriga na pinagbabawalan na raw ni Enrique na magbilad ng kanyang kaseksihan ang nobya.

Sa ngayon, maraming follower nila ang nag-aabang sa balik-tambalan nila after their successful movie “Alone/Together.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.