Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza binawalang magsampay ng Panty

0 18

Napag-usapan ang tungkol sa mundo ng kababalaghan sa virtual conference ni Liza Soberano.

Ani Liza, may hindi raw daw siya makakalimutang karanasan tungkol sa ‘kapre’ noong nakatira pa siya sa Pangasinan kung saan nag-aral siya sa loob ng isang taon.

Naaalala raw niya na sakitin daw siya noon .Isang beses daw ay nagising siya na may nakitang malaking kamot sa kanyang hita.

Nataranta raw agad ang kanyang dad kaya dinala siya sa isang folk healer o albularyo sa paniwalang naengkanto siya.

Ikinuwento raw ng nasabing albularyo ang nakita niya sa kanyang pagsusuri kay Liza.

“She closed her eyes and said there was a kapre looking through my window and my room. May crush sa kanya yung kapre (sey nito sa ama niya),”pagbabalik-tanaw niya.

May ipinayo rin daw ito tungkol sa mga iniingatang personal na gamit tulad ng underwear.

“That’s what the albularyo was saying. Stop making sampay her pantý outside because baka anong gawin ng kapre to her pantý,”dugtong pa ni Liza.

Samamantala, sa animated film na Trese, ginagampanan ni Liza ang papel ng isang detective na sa kanyang pakikipagsapalaran ay makakaengkuwentro ang iba’t-ibang supernatural creatures.

Sa naturang animated film, matatandaang nabatikos din si Liza dahil sa paraan ng pagbigkas ng Tagalog na para sa ilang kibitzers ay may pagka-sosyal.

Solenn type buntisin ulit ni Nico

Sa vlog ng isang kilalang interior design at construction firm, ipinasilip nito ang groundbreaking ceremony sa ipinatatayong dream family house ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico.

Ayon kay Solenn, ngayong meron na raw silang anak, gusto raw nilang magkaroon ng malawak na espasyo para sa kanilang baby na si Baby Thylane.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang malawak na espasyo raw na ito ay may garden at playground sa kanilang mga anak na hindi na sila kailangang lumabas pa.

“Since I was a kid, I’ve had this dream house and how I wanted things to be done and so we decided to look for a lot and to make sure that have enough space for a garden,” ani Solenn.

Ayon naman kay Nico, noon pa nila pinangarap na magkaroon ng sariling bahay at dumating na nga ang pinakahihintay nilang pagkakataon.

“We always thought about, ‘Okay, at one point of our life, we will build our own house.’ Plus, the right opportunity came out, and we are very, very excited. This is the first time we’re going to build anything in our lives,”sey ni Nico.

Pilyo namang biniro si Solenn ng kanyang Argentinian husband na type na nitong sundan ang kanilang anak.

Hirit naman ng Kapuso actress, hindi pa raw iyon ang tamang pagkakataon lalo pa’t noong New Year’s Day ay isang taon pa lang ang kanilang unica hija.

Aniya, gusto rin daw ma-enjoy muna ni Baby Thylane ang pakikipag-bonding sa kanyang pinsang si Dahlia Amelie, anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Pacman rumesbak kay Digong

Kamakailan sinopla ng Pangulong Duterte si Senador Manny Pacquiao kaugnay ng naging puna nito sa stand ng presidente sa isyu ng West Philippine Sea noon.

Nasabi kasi noon ng Pambansang Kamao na nakukulangan siya sa aksyon ni Digong pagdating sa paggigiit sa karapatan ng bansa sa pagmamay-ari sa pinag-aagawang isla.

Ayon pa sa Pangulo, mababaw daw ang kaalaman ng boxing icon sa ganitong mga usapin at makabubuting mag-aral muna ito bago magbigay ng pahayag.

Sey pa niya, hindi raw dapat magmarunong ang pride of Saranggani dahil mababaw daw ang kaalaman nito sa mga isyu ng territorial dispute sa bansa.

Resbak naman ni Pacquiao, nirerespeto raw niya ang opinyon ng Pangulo subalit isa lang daw siyang Pinoy na isinasaboses ang kanyang karapatan sa alam niyang sentimyento rin ng nakakarami.

Leave A Reply

Your email address will not be published.