Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza bumida sa international anime

0 388

Palakpakan na may kasamang sigawan ang ibnibigay ngayon sa millennial diyosa ng kagandahan, si Liza Soberano.

Bakit kaniyo? Kasi naman si Soberano ang boses ng Filipino language version ng “Trese,”ang kauna-unahang anime na base sa isang Pinoy graphic novel na sinulat na ang may akda ay mga Pilipino rin. Pop culture history ang inukit ng pangyayaring ito.

Ang katauhang bibigyang boses ni Soberano ay si Aexandra Trese na ang deskripsyon ay “isang babaylang mandirigma, manggagamot at sundalo.” Ang kalaban ni munting Trese ay mga Pinoy elemental na gustong maghiganti at pagharian ang mundo ng mga mortal.

Ang English version counterpart ni Liza ay si Shay Mitchell na isang Canadian actress.

Ang sarap pakinggan ng mga linyang binibitawan ni Soberano sa nasabing anime feature . Mas lalong bonggang panoorin ang natatanging folkloric creature natin eh talagang mapapakilala sa isang viewing platform na pang-international reach,

Naku, tiyak ang mga manonood nito ay magiging mausisa kung sino ang tinig ni Alexandra .Tiyak pag nakita nila kung gaano kaganda ang dalagang Pilipinang ito, baka ang susunod nating pagkaabalahan ay isang pelikula naman na siya ang magiging bida.

Bukas na aklat naman na maraming banyagang aktor ang humahanga sa nag-iisa nating si Liza Soberano. Hindi na kataka-taka at siguradong marami ang magbubunyi if she graces and stars in an internationally produced motion picture. Maraming kakabuging international A-listers ang pambato nating aktres lalo na kung beauty of the face ang labanan.

**

Barbie nagpayanig sa bikini

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang GMA drama princess Barbie Forteza, marami ang nayanig dahil sa pa-bikini picture nitong kasama ang kasintahang si Jak Roberto.

Kuha sa Coron, Palawan ang photo op sharing ni Forteza sa IG kasama si Roberto na ang kalakip na paglalahad na sinulat ng mahusay na aktres ay patungkol sa apat na taon nilang relasyon

Ang kuda ni Barbie: “Four years na kitang kasama. “Four years na tayong nagtatawanan. Four years na tayong nagdadamayan at nagtutulungan sa problema. Four years na tayong nagsspicy noodles.
Four years na tayong masaya. FOUR YEARS NA AKONG MASAYA. Sana FOUREVER na. Ano sa tingin mo? @jakroberto ❤️ Happy 4th Anniversary, Mahal Ko! ❤️ I love you.”

Ang kabogera ni Barbie, parang pang-mabuhay ang bagong kasal ang anniversary announcement, huh!

Sa true lang tayo, ang diva that you love, takang-taka at talagang gustong mahibang kung bakit for all her acting prowess, bakit kaya ang masang Pinoy hindi pa talaga niyayakap si Forteza? Ang mga millennial director na sina Jerald Tarog at Antoinette Jadaone, nasa bucket at wish list na makatrabaho ito sa pelikula, bakit kaya hindi pa nangyayari ang artistic collaboration? Wala pang box-office hit movie si Barbie, ano nga ba ang kulang sa mahusay na relatively batang aktres ? Tila mailap na mailap pa rin ang pagtanggap at pagyakap sa kanya? Isa pang misteryo, maganda naman ang career planning ng Kapuso sa kanya and she gets the best television roles and projects, bakit wala pa rin itong major, major brand endorsement?

Kapag ipinareha kaya siya sa isang Kapamilya actor, at magka-pelikula sa Star Cinema o Black Sheep, iyon kaya ang hudyat na sa wakas ay mararamdaman na ang kanyang pagiging “star?”

Sa true lang bagay na bagay si Barbie kay Joshua Garcia o di kaya kay JM de Guzman.

Lahat na kasi ng Kapuso leading men ay nakapareha na niya pero lukewarm ang pagtanggap sa mga ito lalo na sa pelikula maski itanong pa natin kina Derrick Monasterio at Ken Chan na naging mga leading men niya sa disastrous ang results sa takilya.

Basta ang diva that you love, fan ni Barbie Forteza at may pananalig ako na darating na ang panahon niya to shine sa box office at given na ang kanyang husay bilang aktres.

Leave A Reply

Your email address will not be published.