Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza, Catriona ingat sa NPA – Malacañang

0 130

Binigyang babala ng Malacañang ang aktres na si Liza Soberano at 2018 Miss Universe Catriona Gray na huwag magpapagamit sa mga komunista.

Kasunod ito ng pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command chief Maj. Gen. Antonio Parlade Jr. kung saan pinayuhan sina Soberano at Gray na iwasan ang mga makakaliwang grupo.

“Naiintindihan naman po ng Hukbong Sandahatan na sila po’y naga-advocate lang ng karapatan ng kababaihan. Pero siyempre ingat lang po kasi `yong mga Maoist sa Pilipinas talagang kung merong puwedeng pagsamantalahan ay pagsasamantalahan nila,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Pero wala kaming problema doon sa mga sinasabi nila dahil ang ating Presidente ay sinusulong din po ang karapatan ng mga kababaihan,” ayon pa kay Roque.

Agad namang sinaklolohan ng Bayan Muna si Soberano laban sa “red tagging” sa aktres matapos umanong makiisa ito sa isang youth forum ng Gabriela Women’s Party.

Giit ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, lahat may karapatang magsalita kontra sa pang-aabuso at natutuwa sila na may mga celebrity katulad nina Soberano, Gray at Angel Locsin na ginagamit umano ang kasikatan para magkaroon ng boses ang mga marginalized at mga exploited na sektor. (Prince Golez/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.