Abante Tonite Interactive

Liza dedma sa ‘mura’ video

By
7,380

KABOG ng Holy Week ang Valentine’s Day sa dami ng showbiz couples na magkakasama nitong Lenten break na lahat ay nakabakasyon at walang trabaho.

Ang Kapuso sweethearts na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ay tamis-tami­san ang aqua therapy sa The Farm at San Benito sa Lipa, Batangas.

Sina Angel Locsin at Neil Arce ay nag-mountain climbing­ sa Sagada kasama ang magsyotang Ryza Cenon at Cholo Barretto.

Ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agon­cillo ay doon lang sa beach house nila sa San Juan, Batangas kasama ang ka­nilang mga tsikiting.

Si Sarah Geronimo ay kapiling ang boyfriend niyang si Matteo Guidicelli at ang pamilya nito sa Flower Island sa Taytay, Palawan.

Wagas ang kilig moments ng AshMatt sa kanilang Palawan vacation, pero walang post ang dalawa, buti na lang ay may kasama silang friends na active sa social media.

Ka-join ni Matt ang bago niyang BFF na si Nico Bolzico, minus wifey Solenn Heussaff na may trabaho kahit Mahal na Araw.

Captured sa Instagram Stories ni Nico ang sweet moments ng AshMatt, gaya nu’ng pa-private concert ng dalawa nu’ng gabing nagtsi-chillout sila sa resort.

Ganadong umawit si Sarah, na sing galore habang lahat ay nakikinig lang sa kanya. Ang dami rin nilang duet ni Matteo, na bigay na bigay at kita mong sobrang happy ng magkasintahan.

Cute ‘yung pic ng AshMatt with Matt’s sister Georgia and their younger brother Paolo, tapos ay photobom­ber si Nico.

Sa Palawan din nag-Len­ten vacay ang Kapuso lovebirds na sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Swimsuit kung swimsuit ang Barbie habang laging labas ang pa-pandesal ni Jak.

Nagkita-kita sila sa Coron nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica na doon din nagbakasyon kasama ang pamil­ya ni Aljur.

Si Vin Abrenica, kasama ang girlfie na si Sophie Albert.

Sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ay sa paborito nilang Balesin Island Club nag-unwind with their family.

Si Alden Richards ay may pa-topless sa Dakak, na ikina-excite ng AlDub fans. Madalas kasi ay si Maine Mendoza ang may pa-bikini ‘pag nasa beach, this time ay si Alden naman.

“Almost…” ang caption ni Tisoy sa kanyang shirtless pic, na tila nagbabadya na malapit nang lumitaw ang kanyang 6-pack abs.

Nag-diving at nag-aquasports galore si Alden sa Dakak kasama ang kanyang pamilya.

Si Maine ay walang pa-bikini dahil nag-Japan ito with her family. So, sa halip na beach photos ay Sakura photos ang kay Menggay dahil cherry blossoms season na sa Japan.

Sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, mula Las Vegas kung saan nag-birthday si Kath ay tumuloy ng Napa Valley at Golden Gate sa San Francisco, California.

Ang LizQuen ay magka­sama nu’ng 26th birthday ni Enrique Gil last March 30, pero wala silang post kung saan sila nagbakasyon.

Wala ring reaksyon si Liza Soberano sa kumalat na video na nakunan siyang nagmumura ng malutong na, “Tang*na mo!”

Shookt ang ibang fans na marunong palang magmura ang isang ganu’n kaganda at kaamo ang mukha, pero ang iba ay deadma lang dahil tao lang daw si Liza, so normal lang ‘yon.

Ang JoshLia, na napaba­litang break na ay hiwalay ng pinuntahan. Nag-Bali, Indonesia si Joshua Garcia habang si Julia Barretto ay nag-Siargao.

Ang ElNella ay swit-switan sa Disneyland sa Cali­fornia. Doon sa Amerika nag-20th birthday si Janella Salvador kapiling ang kanyang ‘meow’ na si Elmo Magalona.

Sina Kim Chiu at Xian Lim ay nag-sweet moments sa Korea, habang sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz ay tamis-tamisan sa Japan.

Sina Marian Rivera at Dingdong Dantes with daughter Zia ay ka-bonding ang fadir ni Marian sa Spain.

Ang mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero ay nagliliwaliw (o nagha-honeymoon?) sa Italya.

Sina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla ay nag-Guam dahil may basketball games doon ang respective sons nila na sina Thirdy at Gab.

Swimming bonding naman ang peg nina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa Phuket, Thailand.

Si Bea Alonzo ay nag-Japan with her family, habang si Gerald Anderson ay sumegue sa Paris pagkatapos ng Kapamilya show nito sa Greece.

Si Angelica Panganiban ay nag-staycation lang sa Sofitel kasama ang close friends niyang sina Glaiza de Castro at Ketchup Eusebio.