Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza ‘di buntis

0 234

Pinaghihinalaan ng mga Marites na buntis si Liza Soberano dahil sa mga ipinost niyang larawan nila ng boyfriend na si Enrique Gil noong Christmas Day.

Napansin kasi ng mga netizen na tila may baby bump si Liza at malaki ang kanyang suot na trench coat.

Sa kanyang latest vlog, kaagad nilinaw ng manager ni Liza na si Ogie Diaz ang tsikang ito since marami nga raw ang nagtatanong sa kanya kung buntis nga ang aktres.

“Aaminin ko na po na si Liza Soberano sa isyung buntis ay hindi po totoo,” pahayag ni Ogie.

“Alam mo naman, minsan, lumiyad lang ng ganu’n ‘yung tiyan, buntis na,” dagdag pa ng manager/comedian/vlogger.

Hirit naman ng partner niyang si Mama Loi, may mga nagsasabi rin daw kasi na parang tumataba ang pisngi ni Liza kaya napagbibintangang buntis.

“Si Liza po ay hindi po buntis. Pero magkasama sila ni Quen sa US kasama si Justin, ‘yung brother ni Liza. Dinalaw nila at dinamayan ‘yung lola nila,” ani Ogie.

Sey naman ni Mama Loi, “’yun nga rin ang sabi ng iba. Baka raw ginawa lang na dahilan ‘yung lola pero magtatago na raw sa US.”

Sagot naman ni Ogie, “di ba, bongga ang mga Marites, di ba? ‘Yung mga hindi namin naiisip, naiisip nila.”

Dagdag niya, “hayaan po natin, ano? Someday. Dahil sila naman ni Enrique ay talagang mukhang hindi na mapaghihiwalay, di ba? Eh darating din tayo diyan. Pero for now, it’s a no.”

Marian hanep sa kinis

Tinapos ni Marian Rivera ang lumang taon sa pamamagitan ng kanyang pasabog na beach photo sa Instagram.

Sa kanyang IG page bago matapos ang 2021 ay nag-post si Marian ng dalawang larawan niya habang nasa beach. Makikitang nakasuot ng swimsuit ang aktres and looking so gorgeous as always.

“Sea-ing clearly,” ang maikli niyang caption.

Needless to say, pinuri-puri ng mga netizen ang timeless beauty at flawless skin ni Marian.

“Super kinis 😭happy anniversary Dongyan,” komento ng isang fan.

“FHM HALL OF FAMER,” reaksyon naman ng isang follower.

“Ang gandaaaa mo sobra!” anang isa pa.

“Ang puti, ang kinis,” papuri naman ng isa pang tahanga.

“Flawless and ever beautiful blooming Queen! Enjoy your vacation,” comment ng isa pang netizen.

“Omg kakulay mo ang ulap,” sabi naman ng isa.

In fairness naman to Marian talaga, sobrang napakaalaga sa katawan. Kaya naman kahi dalawa na ang anak ay parang dalaga pa rin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.