Abante Tonite Interactive

Liza ‘di winaldas ang pondo ng FDCP

Liza Diño
3,344

Nalagay sa kontrobersya ang husband ni FDCP Chair Liza Dino-Seguerra na si Ice dahil umano sa alegasyon ng pagwawaldas ng pondo ng National Youth Commission na ginamit sa mga consultants at meryenda noong panahong pinamamahalaan pa nito ang nasabing ahensiya.

Ayon kay Liza, naayos na raw ito at naipaliwanag na ng acoustic singer ang kanyang panig dahil may dokumento lang daw na na-overlook ang Commission on Audit.

Sa panahon ng panunungkulan ni Liza, lumaki ang budget ng FDCP kumpara noong kanyang mga predecessor, pero in fairness to her, marami naman siyang na-accomplish kahit sa napakaikling panahon.

Abante Hiring – IT dep

Isa na rito ang subsidy sa travel expenses na ibinibigay ng kanyang konseho sa mga filmmaker abroad para i-represent ang kanilang mga pelikula sa film markets, symposia at international film festivals.

Kasama rin dito ang pagpondo sa kanyang mga proyekto like Philippine nights, mga workshop, pagtulong sa archiving at film preservation at sa kanyang brainchild na Pista ng Pelikulang Pilipino.

Hirit pa niya, willing siyang ipasilip ang libro ng FDCP sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“It’s important for us to be vigilant and transparency is very important. Open kami kaya lang meron kasing iba na malicious na kahit naman diretso ang ginagawa mo, nakaka­hanap at naghahanap ng mali. We’re open to those who does not have malicious intent in looking into our books, pero halimbawa lang kung ang gusto mo ay pabagsakin at punahin ang FDCP, ay ibang usapan na iyon,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, hindi rin daw niya niwawaldas ang pondo ng bayan dahil nasa mandato ito ng kanyang ahensiya.
Kaya rin daw niyang i-justify ang travel expenses nila abroad.

“Number one. It’s our mandate. Number 2, nasa mandate namin sa FDCP to promote Philippine cinema in domestic and foreign market. To promote Philippine cinema in local and international film festivals. Doon pa lang, justified na iyong mga ginagawa namin. Wala naman kaming junkets. I can attest to that, sampu ng mga filmmakers na kasama namin na nagtratrabaho kami at walang pahinga pagdating namin doon,” esplika niya.

Nilinaw naman niya na wala siyang planong tumakbo na senador dahil mas gusto niyang makatulong sa mga kapwa manggagawa sa industriya.

Masaya rin si Liza dahil muling hahataw ang Pista ng Pelikulang Pilipino sa darating na Agosto kung saan walang foreign film na ipalalabas sa buong bansa sa loob ng isang taon upang ipagdiwang ang mga obra ng ating mga Pinoy filmmaker.