Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza diniin Converge staff sa cybercrime

0 83

Tinuluyang sampahan ni Liza Soberano ng kasong paglabag sa cybercrime law ang isang staff ng Converge dahil sa kontrobersiyal post nito na “sarap ipa-rape” sa social media.

Kasama ni Soberano ang kanyang manager na si Ogie Diaz at abogadong si Atty. Jun Lim nang panumpaan ang kanyang reklamo sa tanggapan ni Quezon City Deputy Prosecutor Irene Resurrecion laban sa isang Melissa Olaes.

Ayon kay Atty. Lim, malinaw na paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2021 ang pinost na komento laban sa aktres.

Inamin naman ni Soberano na ang nabanggit na komento ay itinuturing niyang “below the belt” na.

“It was on Facebook under a thread of comments. It wasn’t the actual post of the person but she left a comment under someone else’s post a few days ago,” ayon sa aktres.

“It sounded like ‘Wala na daw akong trabaho. So I can do anything I want, di bale na raw masira ang image ko tapos masarap ipa-rape,’” dagdag pa ni Soberano.

Sinabi ni Soberano na sobra siyang na-upset dahil ang rape joke ay isang bagay na hindi dapat ipagsawalang bahala.

Una nang humingi ng paumanhin ang Converge kay Soberano at sinabing hindi nila kinukunsinti ang mga maling gawain ng kanilang mga staff. (Julie de Loza-Cudia/Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.