Abante Tonite Interactive

Liza, Enrique hiwalay na

By
2,169

Tinanong sina Liza Soberano at Enrique Gil kung anong unang gagawin nila pagkatapos ng last ta­ping day ng Bagani, na pinagbibidahan nila. Hanggang sa Friday na lang mapapanood ang nasabing fanta­serye ng Kapamilya network.

Sagot ni Liza, “Matutulog po ako nang marami. Kasi for this next week, we’re going to be taping I think everyday, especially with the weather condition that we’re having now. It’s raining. I think medyo masasagad kami sa taping. Pero it’s gonna be fun kasi at least, it’s our last week with the fa­mily that we have built on set. And we’re going to missed everyone. Ayun.”

Sabi naman ni Enrique, “Magpapahinga ako, matutulog. And after that, balik sa gym, magwo-work out, you know, for the next project.”

Parehong nag-loose ng weight sina Liza at Enrique, unlike dati, na medyo mataba sila. Resulta ba ito ng lagi silang pagod at puyat sa taping ng Bagani?

Sagot ni Enrique,”I think malaking factor ‘yun. Pero I think, it’s also, you know, choice namin to be a little more healthier.”

Sagot naman ni Liza, “Also, I’ve been training simultaneously, despite na meron akong taping and shooting (para sa Darna) na ginagawa. I’ll make sure that I get to a gym at least 5 or 4 times a week.”

Sa pagiging slim nga­yon ni Liza, proud si Enrique.

“Super sexy. Ibang klase. Compared to before. She really works out really hard. I can see na pati sa diet niya, sa kinakain niya everyday, na she’s very strict. And it shows. Pati sa taping, sina Direk sinasabi, grabe na, ang
payat na. I’m really, really proud of her. And para sa akin, siya talaga si Darna.”

May ginagawang pelikula ngayon si Liza, ang launching movie niya na Darna, na hindi kasama si Enrique. Soon ay magsu-shoot naman si Enrique ng pelikula na hindi rin kasama si Liza. Okey lang ba sa kanila na pinaghiwalay muna sila sa paggawa ng pelikula?

“Matagal naman kaming nagsama sa Bagani. Magsi-separate lang kami for Darna. But after Darna, may project ulit kaming gagawin together,” sabi ni Enrique.

“Yeah, meron din kaming project na gagawin, aside from our solo pro­ject, we’re going to do a project together,” dagdag pa niya.

Nakausap namin sina Liza at Enrique sa finale media conference ng “Bagani”. Tumutok lang sa huling linggo ng “Bagani” para malaman kung ano ang kahihinatnan ng Sansinukob at ng mga bayani nito. Panoorin ito gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsiyano sa ABS-CBN 2.