Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza, Enrique walang paramdam sa anniversary

0 145

Matapos maging kontrobersyal sa red-tagging, nagparamdam na si Liza Soberano sa social media at nagbigay ng update sa kanyang mga tagahanga.

Sa kanyang tweet last Tuesday, nagpaliwanag ang aktres kung bakita siya missing in action (MIA) lately.

“Hi everyone! Sorry I’ve been MIA for a while. Just savoring the time I have with the people most special to me.

“But I do constantly have all of you at the back of my mind and I just want to say thank you so much for all the love and support everyone has been showing me this past month,” ang unang tweet ni Liza na kasalukuyang nasa USA.

Aminado ang aktres na lubhang napakahirap ng mga dinaanan niya lately at kailangan daw niya ng oras para i-asses ang kanyang buhay.

“It’s honestly been a very trying time for me and I wanted to express how I was feeling with all of you but it was just too soon for me. I needed to take a break and think about life, my goals and what I think my mission is in life,” pahayag ni Liza.

Natuwa naman ang mga fan niya na muli siyang mabasa sa socmed at pahayag nila, naiintindihan daw nila ang aktres.

“We understand…paramdam lang pls kahit anniversary vlog man lang. I was kinda sad on your anniversary when there were no video or pictures man lang to share…however, since we know that you’re both together is enough reason for us to be happy,” komento ng isang fan.

“Yay!! Nagparamdam din sa LQ fandom, hehe. Akala ko di mo na kami mahal. Hehe. Just kidding! We miss you and Quen so much! Enjoy your time with your loved ones. Stay safe and healthy, please. Love you!” reply naman ng isa pang LizQuen supporter.

Matatandaang dalawang magkasunod na mabigat na kontrobersiya ang pinagdaanan ni Liza. Noong Setyembre, a netizen made a rape remark about her at naghain siya ng formal complaint laban sa netizen.

Noong nakaraang buwan naman ay bigla na lang siyang napagbintangang komunista matapos magbigay ng webinar sa Gabriela. Kaugnay nito ay naglabas agad ng statement ang legal counsel niyang si Atty. Juanito Lim, Jr. denouncing the red tagging.

Leave A Reply

Your email address will not be published.