Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza humingi ng tawad

0 491

Nagpaliwanag si Liza Soberano sa Twitter tungkol sa isang nasabi niya na naging dahilan para ma-misinterpret siya ng iba especially ang mga K-pop fanatics.

Sa isang video ay nabanggit kasi ni Liza na may stan (fan) account siya at ito ang ginagamit niya para makipag-away, marahil, sa mga anti-fans ng kanyang idolong K-pop artists.

Ang exact words ni Liza na ipinost ng isang netizen, “I’ve actually fought with people on my stan account.”

Ayon sa netizen, ito raw ang dahilan kung bakit naging toxic environment ang Stan Twitter.

“Fighting is way too normalized on this app that people are not batting an eye at how she just said she’s also one of the reasons stan twt is a toxic environment,” komento ng netizen.

According to Wikipedia, Stan Twitter is “a community of Twitter users that post opinions related to music, celebrities, TV shows, movies and social media.”

Sumagot si Liza at ipinaliwanang na hindi niya sinusuportahan ang pakikipag-away sa Twitter.

“Before this turns into something that it is not, I just wanted to drop by and let you know that I do not in any way support fighting and the toxic side of stan tweet,” simula ni Liza sa kanyang tweet.

She apologized for the choice of words she used na aniya ay naging cause para ma-misunderstood siya.

“This was taken completely out of context and I apologize for the choice of words I used which may have led to the misunderstanding.
“The message I really want to point out is, I do not tolerate being bullied and hated upon just because of individual differences. Which is prevalent on stan tweet, and when it does happen I speak up about it,” aniya.

Bagama’t sumasagot daw siya sa mga pangbu-bully sa mga k-pop fanatics, hindi naman daw niya nilalagay sa bad light ang fandom.

“I’ve had my fair share of discussions and arguments on stan tweet with people that aren’t even kpop fans, who make fun of kpop stans for nothing. I don’t find that fair so I tweet them back but never in a way that will bring bad light upon the fandom,” aniya.

“That’s all. Just wanted to make some clarifications. Always be responsible with what you say to other people,” pagtatapos ni Liza.

MMFF nanganganib sa December

Para kay former Senator Jinggoy Estrada na isang haligi rin ng industriya, kailangang siguraduhing mabuti ang safety ng mga tao bago tuluyang magdesisyon na buksan ang mga sinehan sa darating na Metro Manila Film Festival sa December.

“We still have five months, the film festival has still 5 months to decide whether to push through or not. But I suggest that they accept entries or review the entries just in case na magkaroon tayo ng vaccine para malusutan na natin itong problema.

“Pero pag wala, at pataas pa rin nang pataas ang bilang natin (ng COVID-19 cases), I don’t think it’s possible for the MMDA (Metro Manila Development Authority) or the MMFF committee na ituloy itong festival. It’s dangerous,” pahayag ni Sen. Jinggoy sa Zoom conference with entertainment press and bloggers last Sunday.

Liza gigisain ni Jinggoy

Of course, aware rin ang aktor/politiko sa nangyayari sa MMFF partikular na nga ang pagkakatanggal ni FDCP (Film Development Council of the Philippines) chairperson Liza Dino bilang executive committee ng festival.

Ang dahilan nga ng pagkakatanggal ni Liza ay dahil gusto niyang mapunta sa FDCP ang pamamahala sa MMFF.

Kaya naman natanong din si Sen. Jinggoy kung pabor ba siya na hawakan ng FDCP ang MMFF.

“Hindi ko sinasabing pabor ako. Ang tanong ko, what can the FDCP offer to us, producers? How will they handle the MMFF? How it will differ from the handling of MMDA and FDCP? Ano ‘yung bagong pamamalakad na pwede nilang gawin? Doon ako interesado. Now, kung masasagot nila ang mga tanong ko, di okay,” he said.

Gusto rin niyang malaman kung ilan bang incentives halimbawa ang mapupunta sa academy, ilang percent ang mapupunta sa MOWELFUND (Movie Workers Welfare Foundation na isa sa mga beneficiaries ng MMFF) and iba pang related matters.

“Kasi right now, MMDA has already the experience of handling the MMFF. ‘Yung FDCP, wala pang experience kahit ba taga-pelikula sila eh kung wala naman silang eksperensiya na magpatakbo ng festival eh baka lalo pang magka-letse-letse pa (Hawak ng FDCP ang Pista ng Pelikulang Pilipino-ED) .At least, ‘yung MMDA, may experience na.

“That’s why I want to know, what FDCP can offer to the producers, moviegoers, etcetera etcetera. ‘Yung mga stakeholders, what can they offer to stakeholders of the movie industry?” pahayag pa ni Sen. Jinggoy.

Leave A Reply

Your email address will not be published.