Abante Tonite Interactive

Liza ibabalik sa ‘Darna’?

914

Alwin Ignacio

Ang emote ni Liza Soberano tungkol sa kanyang finger sa IG: “Hi everyone!!! I know I’ve been M.I.A these past few weeks and I’m sorry for not updating you guys sooner.

My managers and I decided to take this time for me to recover fully. I came to LA almost 3 weeks ago thinking I would be here for only 2 weeks. I was supposed to have surgery to remove my plates but, it turns out that we were dealing with more than just protruding hardware.

During surgery the doctor discovered that my bone wasn’t healed and that I also had a bone infection (no one is to blame for the infection it just happens sometimes).

So now I’m taking anti-biotics through a picc line on my left arm. As soon as my infection is clear I will have my 2nd (and possibly 3rd) surgery. That’s pretty much it. Please keep me in your prayers.”

Ngayong pinapagaling ni Soberano ang kanyang finger sa ibang bansa, ibig bang sabihin nito, ‘pag healthy at healed na ang kanyang dainty daliri, iluluklok siyang muli bilang “Darna”?

May TV project daw si Liza at si Enrique Gil at ibang pelikula, kaya mananalig na ba talaga tayo na kahit magaling na ang finger ni Soberano, sa audition talaga magmumula ang bagong babae magsusuot ng brang may bituin at panty na may tabing?

Paano nga kaya kung ibalik kay Liza Soberano ang mythical power feminine lalo na nga’t matagal na matagal na rin namang nasa drawing board ang pelikula, is she truly worth the wait? O dahil sangrekwang datung na ang nailabas sa pelikula, ang mga taga-Star Cinema, they would rather invest on a newbie dahil nga they cannot afford more delays? Huwag naman sanang umabot ang “Darna” sa March 2020, huh!

Ate Girl ng ‘It’s Showtime’
ngalngal to death

Of national importance ba ang pagngalngal ni Jackie Gonzaga, ang Ate Girl sa “It’s Showtime” para ang madlang pipol, mag-alala sa state of her emotional health?

At ang pagtanggi ni Hashtag Tom Doromal, na kasintahan pala nitong si Ate Girl, na hindi pa hiwalay ang kanilang de-kolor at puti, makakadagdag ba ito sa intelligence quotient nating lahat?

Kung “No,” “Nay,” at “Nada” ang sagot niyo sa mga tanong, may pag-asa pa kayo. May middle class sensibilities pa kayo, limang beses kayong kumakain sa isang araw at alam na alam niyong maaaring ang pagngalngal ni Jackie ay para lamang sa rating at dahil nga, stale na ang landian nila ni Jose Marie Viceral. ‘Yun lang.

Pagpapalayas kay Banjo
‘di dapat pagdebatehan

Marami ang nagtatanong sa diva that you love kung ano ang opinion ko sa forced eviction ni Banjo Dangalan.

Una sa lahat, the WHO si Dangalan? Ang show-bizlandia, patuloy naman sa pag-inog kahit wala na siya sa “PBB Otso” house, hindi ba naman?

May Fumiya Sankai at YamYam Gucong na nga kayo na ginawa niyong mga starlet tapos may nasa pa kayong my heart must and should bleed for this the WHO? Ano ito, para sila ang maging Millennial Three Stooges? Que horror! Que barbaridad! Charot! Hahaha.

Pangalawa, hindi ko sinisilip o pinapanood ang PBB kahit noong simula nito. Hindi ko gets ang mga kung ano-anong dramahan, landian, bromances at mga task na hindi ko mawari kung talagang nakakabuti sa personalidad at emotional health ng mga nasa loob. Gawking and being curious about the shenanigans inside Kuya’s House is not my cup of tea, at hindi ako nag-iisa sa hindi siya pinapanood.

Mas mainam pang aklat ang aking basahin habang humihigop ng warm green tea kesa maging parang voyeur at maapektuhan sa mga kaganapan sa bahay na sa true lang, parang televised aquarium channel na nagkataon, mga tunay na tao ang pinapanood.

Oo, it has produced some big stars at we cannot argue with the stamp of approval of the hoi pollois and the descamisados kasi sila ang may mga pangarap na bituin na maikulong sa bahay at maging instant sensation for a season.

Kung labag sa batas ni Kuya ang mga birong hindi naayon sa kagandahang asal at tamang pag-uugali, ang parusang ipinataw sa lalaking the WHO, nasa katwiran at tama. Walang dapat pagdebatehan tungkol dito.