Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza, Ice naudlot magkaanak

0 117

Tuloy na tuloy pa rin ang plano ni FDCP (Film Development Council of the Philippines) chairperson Liza Dino at mister na si Aiza “Ice” Seguerra na magkaroon ng anak kahit naantala ngayong pandemya.

Ayon kay Liza sa zoom presscon ng Sine Sandaan Next 100 last Thursday, ang goal daw niya ay bago siya mag-40 years old ay magkaroon na sila ng baby.

Matatandaang last year ay sinimulan na nina Ice at Liza ang proseso ng in vitro fertilization (IVF) at mayroon na nga silang sperm donor na nahanap.

“Ang goal ko, bago mag-40, sana, mangyari pa siya, kasi hindi na rin naman ako bata. But yes, it’s still in our plans, 12 (years old) na si Amara (Liza’s love child), pangarap niya ‘to simula 1 yr. old siya,” pahayag ni Liza.

Pero dahil nga sa sunod-sunod na unexpected turn of events kabilang na nga ang COVID-19 pandemic ay hindi nila maituloy ang plano.

“Naniniwala ako na at the right time, it’s gonna happen, but yes, hindi siya nawawala sa plan namin,” she said.

Because of the pandemic, aminado naman siya na talagang nahihirapan ang lahat ngayon na maka-survive financially at hindi raw sila exception dito ni Ice.

“In terms of priority, syempre, medyo na-take siya (ang planong magka-baby) ng backseat kasi right now, di ba, wala pang live events, and Ice also, wala pa siyang mga gigs, wala pa siyang mga commitments, tapos, lahat ng ginagawa niya talaga is really for the love because he just really loves to support, every single kind of charity event, ginawa na ni Ice.

“We’re taking it a day a time,” she said.

Samantala, ang nasabing zoom presscon ni Liza ay para sa mga aktibidades ng FDCP ngayong Setyembre as it closes the celebration of 100 years of Philippine Cinema and getting ready naman for the next 100 years.

Nagsimula ng Sept. 1 ang mga events and activities ng FDCP at ilan dito ay ang Philippine International Comics Online Festival (Sept 5-6, 12-13, 19-20 & 26-27), KRE8IF! Virtual Conference Animation (Sept 7-10), opening of Sine Sandaan: The Next 100 na nagsimula na kahapon (Sept. 11), film industry conference and workshop series online (Sept. 12-15), Full Circle Lab Philippines Online (Sept. 15-30), documentary production worshop in Davao (Sept. 10-18), Lutas Film Festival in Dumaguete City (Sept. 17-19), Sine Sandaan on the Manila Times TV (Sept. 24), workshops in film incentives (Sept. 24), special master classes series feat. Raymond Red (Sept. 26), CraetePhFilms (Sept. 28) na funding program para sa mga filmmakers, the launching of Philippine Film Archive website ng FDCP (Sept. 28) at marami pang iba.

Ang final event na Closing of Sine Sandaan: The Next 100 ay magaganap naman sa Sept. 30 via a 2-hour virtual event featuring performances from our top artists including Lani Misalucha, Gary Valenciano, Martin Nievera, Lea Salonga, The Company, Acapelago and Robert and Isay Alvarez.

Leave A Reply

Your email address will not be published.