Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza inupakan ng mga fan ng KathNiel

0 151

Nilinaw ni Ogie Diaz na walang kinalaman si Liza Soberano sa issue nina Kathryn Bernado, Daniel Padilla at Xian Gaza.

Ayon sa latest vlog ni Ogie, na-mention daw kasi ni Xian si Liza sa isang post ng businessman/social media personality na binura rin daw nito agad. Pero siyempre, marami na rin ang nakabasa nito at ngayon ay tinitira na rin daw sila ni Liza ng mga KathNiel fans.

“Kaming dalawa ni Liza, na-mention niya (Xian), du’n sa isang post na ewan ko, parang kagyat ay binura niya. Na parang mataas ang respeto sa kanya ni Liza, Chairman pa nga ang tawag sa kanya. Tapos ako din, inaanak niya ‘yung bunso ko,” kuwento ni Ogie.

“Para lang sa kalinawan ng lahat, wala po kaming kinalaman ni Liza Soberano sa kung anuman po ang ipino-post ni Xian,” paglilinaw niya Ogie.

Kwento pa ng talent manager/comedian/vlogger, sinabihan na nga rin daw niya si Xian na tigil-tigilan na pagiging ‘Marites.’

Mensahe pa niya kay Xian, “huwag mo

SM food to go Banner Ad

na kaming i-mention ni Liza. Kasi nadadamay kami. Na baka isipin ng ibang tao na may kinalaman kami sa post mo.”

Ayon pa kay Ogie, nagkakakilala raw sina Liza at Xian sa pamamagitan niya pero ganu’n lang daw ‘yun.

“Wala silang communication at all,” tsika pa ni Ogie.

Matatandaang gumawa ng malaking issue si Xian last week nang mag-post siya ng larawan ni Barbie Imperial with Karla Estrada at tila pinalalabas na may ‘something’ between Daniel Padilla ang Diego Loyzaga’s girlfriend.

Kaagad namang sinagot ni Daniel ang issue na “nonsense” at “irrelevant” daw.

Leave A Reply

Your email address will not be published.