Abante Tonite Interactive

Liza itinanggi ang abortion

983

Nagsalita na si Liza Soberano hinggil sa isyung nagpalaglag umano siya sa US. Matatandaan na nagpunta ang aktres sa abroad para sa surgery ng kanyang finger injury.

Nang kumalat ang intriga at blind item ay kaagad siyang dinepensahan ng talent manager na si Ogie Diaz. Handa pa ngang dalhin ni Ogie ang isyu sa korte laban sa mga nagpapakalat ng fake news.

Sa “Tonight With Boy Abunda”, ibinahagi na ni Liza ang kanyang reaksyon. Sey niya, “I wasn’t bothered by other people’s speculations. I expected I’m going to think oh because they’re gone for so long. I was more upset with the person who came up with that like a whole video and everything because they didn’t even bother to ask my manager who was here the whole time or to even ask me first.”

Iginiit din niya na nang lumabas ang blind item ay ang mismong araw na sumailalim siya sa operasyon. Dahil dito, hinihikayat siya ng kanyang mga fan na magsampa ng kaso laban sa blogger pero minabuti na lamang niyang hindi gawin.

Paliwanag niya, “I’m not going to ruin someone’s life just because they decided to make a silly rumor about me. I said I think it’s bad enough for him already that he got a taste of his own medicine and everyone got mad at him.”

Sa interview, nagsalita rin ang kanyang boyfriend at on-screen partner na si Enrique Gil na sana’y nagbigay ng aral sa blogger ang pagkakalat niya ng maling balita. (Rona Ronda)