Liza, Jane nag-bonding

401

Handa na ang aktres na si Jane de Leon sa kanyang paglipad bilang Darna. Bigay-todo si Jane sa mga training bilang paghahanda sa paglipad niya.

Masaya ang aktres sa oportunidad na ibinigay sa kanya. Ikinuwento nga niya na nakapag-dinner sila ng gaganap sana sa kanyang role na si Liza Soberano.

Aniya, “Nag-uusap kami lagi ni Liza, nag-dinner na rin kami. Looking forward naman ako kay Ate Angel Locsin.”

Bilang paghahanda niya sa iconic role, sumasailalim na siya sa fitness training. Excited na rin siya na matutunan ang mga stunts.

Sa ngayon ay hindi pa kilala kung sino ang makakatambal niya sa “Darna” pero ang importante umano ay mayroon silang chemistry. (Ronaline Avecilla)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...