Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza, Julia binoldyak mga pasaway

0 131

Ang mga reynang walang trono at istasyon, sina Liza Soberano ay Julia Barretto, parehong nasa warpath. Ang dalawang dalaga na may hinhin na tangi at dakilang ganda, pangmalakasan ang pamboboljak sa mga pasaway.

Kapwa pumunta na sina Soberano at Barretto sa mga kinaukulan upang maghain ng reklamo laban sa mga nilalang na wala sa katwiran at hulog ang mga ginagawa.

Yung isa sa masamang biro at pagbabantang pang-gagahasa. Yung isa naman, dahil sa maling akala na pagdadalangtao,

Tama naman ang ginawa nina Soberano at Barretto na ipagtanggol ang kanilang pagiging babae at pagkababae.

Ang tanong lang talaga ay kaya ba nilang mapangatawanan ito? Ilalaban ba nila ito hanggang sa dumating ang hatol sa kanilang mga isinakdal?

Pag dumating ang pagkakataon na sila at ang mga salarin ay pinagharap para sa mediation meeting, nagpupuyos pa rin ba ang galit at ngitngit nila? Paano kung may kumausap sa kanila, humilot sa sitwasyon, madali bang maibibigay ang kapatawaran? Paano pag may sinserong public apology at pagsusumamo, lalambot ba ang kanilang mga puso?

Noble ang drama ni Soberano na ginagawa niya ito para sa mga ibang kababaihan na natatakot. She wants to become their voice.

SM food to go Banner Ad

Alarming naman ang pahayag ni Barretto na maliban sa salarin, balak niya ring ireklamo ang mga pahayagan at iba pa na naglabas ng maling balita.

Mass lawsuit ba against newspapers, entertainment portals and digital platforms ang balak gawin ni Julia para maibalik ang pagiging “busilak” ng kanyang imahe at pangalan? Hmmmm…… my lips are sealed for now.

Ngayong in full guerrera mode ang dalawang aktres pati na rin ang mga people na part of their closest circle, best to observe and watch kung hanggang saan talaga hahantong ang kaganapan na ito. Mainam na masubaybayan dahil tiyak marami tayong mapupulot na life lessons.

Mariel wasak sa pagmamaganda

Pwede naman kasing hindi kumuda, naglitanya pa si Mariel Rodriquez sa pekeng pampang sa Manila Bay na makakatulong daw sa mental health ng mga pumunta na dun at nasilayan na ito.

At dahil nga kumilos si Mariel ng hindi naayon sa kanyang ganda, durog na durog siya.

Pero ang the best na pagpapamukha, mula kay Ginoong Ogie Rosa, na isang Palanca award winning writer, analyst at patnugot: ““Noong ipinapasara ang kumpanyang pinagtatrabahuhan niya, ‘di siya nagsasalita. Ngayon na pekeng buhangin ang topic, can you believe it? Ngayon siya nagsasalita?”

Naku ate girl, ngayong kaunting ulan lang eh bumabalik ang bay sa kanyang dating anyo, paano mo kaya ipagtatanggol ang proyektong ngayon ay alam na alam na isang malaking panglulustay sa pera ng taong bayan?

Leave A Reply

Your email address will not be published.