Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza, Kath, Nadz umeksena sa ‘bubble time’

0 569

Ano ba ang ginagawa ng mga young millennial showbiz queens ngayong nasa ‘bubble’ ang buong NCR ? Si Kathryn Bernardo, ang inaatupag ay magpaka-fierce femme fatale sa isang photoshoot. Siyempre pa, trending kung trending si Queen Kath.

Si Nadine Lustre ay kinarir ang mujeristang kao-opera lang at gustong ipagyabang ang kanyang pagiging babae sa isang online magazine. Idagdag pa rito ang pagpatol niya sa isang basher na ayaw tantanan ang kanyang pakipagmamabutihan sa kanyang hard habit to break na si James Reid. Siyempre pa, hindi rin nagpakabog si Queen Nadine sa pagiging trending topic.

Ang best sa kanilang tatlo, siyempre pa, ang dahilan kung bakit ang pinakamagandang queen, si Liza Soberano, ang first name niya ay naging

trending topic. At yes oh yes, suklam na suklam na naman sa kanya ang mga nanalig sa husay at galing ng mga best and the brightest.

Ang mga sarado ang pag-iisip at hindi nakakaintindi sa katwiran, at mga bulag, pipi at bingi sa mga pagkukulang sa tamang pamamahala sa pandemya ng mga nakaupo sa pwesto, bumubula ang mga bibig .Kumukulo ang kanilang dugo sa binibining may dakilang ganda.

Ang concluding tweet ni the future Mrs. Enrique Mari Gil V: Hayy I honestly don’t even know if my tweets/ my voice is actually doing anything. We can only pray for compassion now. God bless all of you. Stay home if you can.”

At siyempre pa, hindi puwedeng ipamukha kay Liza kung may naitutulong ba siya sa poorest of the poor dahil chronicled at documented na ang kanyang pagmamalasakit sa mga kapuspalad.

Janno, ‘bubuhayin’ si Kuya Germs

Si Janno Gibbs ang gaganap bilang German Moreno sa musical biopic na “Yorme.”

Maliban kay Gibbs, may special participation rin sa pelikula sina Ramon Christopher, Tina Paner, Jennifer Mendoza, Jestoni Alarcon, Karen Timbol, Lovely Rivero, Ricky Rivero, Jovit Moya, Jojo Abellana at Brylle Mondejar.

First batch of stars na galing sa “That’s Entertainment” ang more chances of winning na maka-eksena si Mc Coy de Leon na siyang gumaganap bilang teen-age Isko Moreno. May second batch pang tiyak na malalaman natin kung sino-sino sa takdang panahon.

Ang Isko na nasa mundo ng politika na ay si Xian Lim ang gaganap. Ang batang basurerong Isko naman ay si Raiko Matteo.

Target world premiere ng pelikula ay sa Hunyo 24 na mangyayari sa Manila Metropolitan Theater.

Mabuti naman na matapos ang alingasngas na nangyari kay Janno at kay Kitkat Favia, may pinagkakaabalahang iba ang singer. Matagal din under the care ni the late great Kuya Germs si Gibbs kaya tiyak yung galaw, pananalita at essence ni Moreno ay makukuha niya. At siyempre pa, refreshing to hear him sing na hindi rhythm and blues ang kanyang aawitin.

Aktor hinalay ang kapwa artista

Talagang hindi dapat inilalagay ang alak sa ulo lalo na kung kaya nitong pagalitin ang ulo mo sa pagitan ng iyong mga hita. O, kung hindi mo kaya uminom ng marami at baka malasing ka, huwag gawing tubig ang intoxicating beverages at baka mawala ka sa sarili mo at may magawang mapangahas.

Mahabang bulong mula sa aking impeachable source, matapos ang shooting ng isang pelikula, nagkayayaan uminom ang cast. Happy-happy lang kasi tapos na ang shooting, time to celebrate ang kanilang it’s a wrap of their bubble shoot.

Ang nakakabaliw, ang isa sa mga cast, na tawagin na lang natin bilang artista A, had one drink too many. Sinapian at nag-init ang katawan, ang tinintimping damdamin, hindi na mapigilan pa, ayun, bigla itong naging agresibo at nilaplap at nginabngab si artista B.

Siyempre, shookt at feeling violated si artista B. Nag-hyperventilate ito at nag-iiyak. Understable ang reaksyon niya lalo na kung hindi naman niya type ang lumaplap sa kanya. Kasi kung bet ni artista B si artist A, wala namang kaso di ba. Baka nag-eskrimahan pa ng mga dila nila at nagpalitan ng mga laway. Eewwww. How baboy. Ang arte! Hahahhha.

Dahil sa nangyari, nagsumbong si artista B sa management dahil sa paging ‘bastos’ ni artista A. Ang resulta, pinauwi muna si artista A sa malayong lugar para magpalamig

Ang additional chika pa mula sa aking impeachable source, ito palang si artista A, ay kasintahan sa dilim ni artista C. At nu’ng makarating kay artista C ang kapangahasan ni artista A. right here, right now, hiwalay ang dekolor at puti nila.

Kawawang artista A, gone to soon ang karera, nasira pa ang relasyon dahil sa kanyang landing lubog na biglang lumitaw.

The WHO sina artista A at artista B? Ay naku, pareho silang lalaki. At si artista C, yes lalaki rin ang kasintahan niya sa dilim.

Ano ba ang mga kabataang ito? May mga sarili namang mga palo-palo bet pang pumangas at silindruhin ang iba. Ang haharot. Ang dumi-dumi niyo. Hahahaha.

Leave A Reply

Your email address will not be published.