Abante Tonite Interactive

Liza, Kathryn agawan sa trono

Selfie photo ni Ahron sa kapwa lalaki iniintriga

1,305

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioAno kaya ang tu­nay na damdamin at salo­obin ng mga fanatic, fantard at supporter ng LizQuen, pati na rin ang KathNiel ngayong ang mga iniidolo at sinasamba nilang tambalan, hiwalay na ang mga career path?

Hindi pa ipinapalabas ang ‘The Hows Of Us’, putok na putok na ang balitang kasama si Kathryn Bernardo sa balik-tambalan nina Sharon Cuneta at Ri­chard Gomez, ang ‘Three Words to Forever’.

Walang duda naman na ang paparating na pelikula nina Bernardo at Daniel Padilla will make a killing at the box-office, thus I cannot help but wonder, sino naman kaya ang ipapareha kay DJ in the nearest future?

Sa Ate Shawie, Kuya Goma flick, may kapareha kaya si Kathryn? Knowing how possessive ang kanilang mga supporter, emotionally healthy and prepared kaya ang mga future nilang kapareha?

Si Liza is already shooting ‘Darna’ at alam na si Tony Labrusca ay kasama niya sa pangmalakasang pelikula. Mataas na mataas ang media awareness at appreciation sa binata.

Bida siya sa ML, ang isa sa mga box-office hit movie sa ka­tatapos lang na Cinemalaya 14. Marami ang na­darang at napaso sa sexy photo shoot niya para sa isang glossy magazine. At yes oh yes, bida muli ang binatang makisig sa Double Twisting, Double Back.

Mas may premium sa kasalukuyan si Labrusca kung ikukumpara kay Enrique Gil kaya sa mga gustong i-bash ito, lalo na nga’t he is coming from a Cinemalaya box-office hit movie, mapapahiya lamang kayo.

Sa true lang, panalo ang hakbang na ito. Sa pansamantalang paghihi­walay nina Kathryn at Liza sa kanilang mga katambal, may personal growth experience tiyak ito dahil nga wala sila sa kanilang comfort zone at comfort leading men.

Magkakaalaman na kung kaya ba nilang tumayo sa kanilang mga sariling paa. Maganda ring obserbahan kung sa mga bagong katrabaho, ang kanilang angking brillo at galing ay mas lalong iigting at mararamdaman.

Ang Star Magic ba, pinoposisyon na ang tala­gang magiging magkaribal sa karera ay sina Kathryn Bernardo versus Liza Soberano? Silang dalawa ba ang tatanghaling Millennial Movie Queens? Kayo dear Abante Tonite readers, sino ang dapat maging bagong reyna? Sino naman kaya ang magiging reynang walang trono?

***

Sa isang pink portal, ang aktor na si Ahron Villena, may kasamang lalaki sa photo.

Pareho silang naka­sando. Si Villena, naka-aqua blue, ang lalaking the WHO, itim naman ang suot. May pasilip pa ang hombre sa kanyang kilikiling walang buhok. May budget nga ba siya para magpa-wax? Malamang!

Ang paandar na caption ng portal sa larawan ni Ahron with the WHO, “Tongues are wagging. Are they going out now?”
Sobra naman kayong mapanghusga at malis­yoso, huh! Porke ba may selfie si Villena na may kasamang the WHO, agad-agad, sila na?

Hindi ba puwedeng faney ang the WHO at naglambing kay Ahron na makapag-selfie sila na pinagbigyan naman nito?

Hindi naman sila naka-couple sando, kaya saan galing ang wagging of the tongues? Hindi ba puwedeng tropa lamang ni Villena ang lalaki? Masama ba na si Ahron ay makitang may kasamang lalaki sa larawan? Hindi ba siya puwedeng magka-kaibigan?

Ang nakakaloka sa posting, ang kasunod na larawan ay isang very erect phallus na itinuturong sa the WHO na kasama ni Villena? May connect the dots ba talaga ang dalawang larawan?