Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza, Maja excited sa balik-Pinas ni Janella

0 36

Matapos manirahan ng ilang buwan at makapanganak sa United Kingdom, balik-Pinas na si Janella Salvador.

Of course kasama niyang umuwi ang boyfriend na si Markus Paterson at ang kanilang first baby na si Jude.

Nagbahagi sa kanyang Instagram page si Janella ng mga larawan habang nasa Heathrow Airport sa London na may caption na “see ya!” Sa kanyang IG story ay makikita rin ang photo ni baby Jude na nasa loob ng airplane.

Si Markus naman ay nagpost din ng larawan niya habang nasa airport at karga ang kanilang baby. May short clip din ng ulap sa bintana ng eroplano at sa caption, inanunsyo niya ang new vlog sa YouTube account ng kanilang pag-uwi at first flight ni baby Jude. Jannella posted a similar caption.

Inulan ng “welcome back” messages ang posts ng dalawa mula sa kanilang fans at mga celebrity friends.

Siyempre, isa sa tuwang-tuwa sa pagbabalik ni Janella ay ang kanyang BFF na si Liza Soberano na nag-comment pa ng “OMG SEE YOUUUUU.”

Isa pang na-excite ay si Maja Salvador na kaibigan din ni Janella at nakatrabaho sa The Ghost Bride.

@@@

Vin, Sophie pakakasal na

Engaged na pala ang showbiz couple na sina Vin Abrenica and Sophie Albert. Inanunsyo nila ito sa kani-kanilang IG account kahapon, a day before Valentine’s Day. Kasabay rin nito ang paglalabas nila ng larawan ng engagement ring ng aktres.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Sophie, nag-propose si Vin sa kanya bago matapos ang taong 2020.

“Before 2020 came to an end, the love of my life proposed to me. Despite all the challenges we had to face, we were able to close the year filled with so much hope and love as amazing surprises happened in our lives. We’ve been savoring our precious moments and we are ready to share our joy and excitement!

“WE ARE ENGAGED!” ang announcement ni Sophie.

Nagpasalamat din ang aktres sa kanyang fiancé na tinawag niyang best friend niya for life.

“Thank you @vinabrenica for everything. Thank you for being you and for making everything special. I am blessed to have you as my best friend for life,” pahayag ni Sophie.

Sa post naman ni Vin ay sinabi niyang na-engage sila last Dec. 12, 2020. Ang sweet ng kanyang mensahe para sa fiancée.

“You’ll never know when you are truly ready until you realize who you’re living and breathing for. It’s you @itssophiealbert. We’ve grown up together and I look forward to growing old together. Good luck @itssophiealbert, you are stuck with me for life. We’re engaged!! 12.12.20,” ang pahayag ni Vin.

Mainit na tinanggap ng kanilang fans at mga kaibigan ang kanilang engagement .Nagpahatid din sila ng pagbati sa dalawa.

Matatandaang last week ay nauna nang inanunsyo nina Vin at Sophie na magsasama na sila sa isang bubong at kasalukuyang inaayos na nila ang kanilang lovenest.

Leave A Reply

Your email address will not be published.