Abante Tonite Interactive

Liza makalaglag-brief sa pa-bikini; ‘Bukol’ ni Enrique viral

5,717

Ikinatuwa ng mga beki ang pabukol ni Enrique Gil sa bagong Kapamilya serye nila ni Liza Soberano.

Topless na naligo sa beach si Quen at bakat-bakatan ang bukol nito nang ma-wet look. 27-anyos na si Quen kaya hindi na big deal ito.

Medyo okey na ang katawan niya ngayon kesa ‘yung chubby-chubby siya before na meron siyang tiyan, pero mas okey sana kung may pa-six-pack abs siya para mas delicious.

Si Liza ay may pabalakang, papusod at pasilip ng bikini sa suot nitong cropped denim shorts.

Maraming na-yummy-han kay Enrique, pero may mga nag-comment din na mukha raw itong ‘dyuts’ dahil kakarampot lang ang bukol sa basang shorts nito.

Aray koh! Talaga ba?!

Nota ng aktor binantaang ilalabas ng director

Isa pang pa-yummy ay itong si Kit Thompson na may bath tub post naman sa IG na mga bula lang ang nakatakip sa hubad na katawan nito.

May mga nag-comment na sumabog ang ovaries nila sa delicious post ni Kit, pero may mga nagsabi ring papansin ito kaya nag-post ng gano’n.

Ang aarte nu’ng mga umaangal, huh! Sila na nga ‘tong pinakitaan ng almost nude pic ay humahanash pa.

Ang direktor ni Kit sa indie film na “Belle Douleur” na si Atty. Joji Alonso ay nag-comment ng, “Siraulo ka talaga, @kitthompson! Sige ka, ilalabas ko sa director’s cut ang pinutol ko sa ‘Belle’!!!”

Sagot dito ng 22-anyos na Kapamilya hunk, “Naku, ibang level na ‘yun, Direk! Ha! Ha! Ha!”

Ang alam namin ay may nude scene si Kit sa nasabing Cinemalaya movie na hindi talaga siya nagtakip ng harapan at nahagip ng kamera ni Atty. Joji ang kanyang ‘nota’!

Sana nga, ilabas ‘yon ni direk! Charr!!

‘Ang Probinsyano’ papalitan ng KathNiel serye

Balik-showbiz na si Julia Montes ngayong 2020.

Parang may nagbago sa aura niya at tila hindi na siya ‘yung sa young star na Julia na sweet and innocent.

Balik-Dreamscape si Julia para sa kanyang TV comeback. May balitang sila ni Coco Martin ang pagtatambalin sa TV version ng “Batang Quiapo”, ang hit 1986 movie nina Fernando Poe, Jr. at Maricel Soriano.

Matagal nang nababalita na gagawin ni Coco ang “Batang Quiapo”, pero hindi pa ito natutuloy dahil nandiyan pa rin ang “Ang Probinsyano”.

May tsikang malapit nang magtapos ang “Ang Probinsyano” at finally ay papalitan daw ito ng bagong KathNiel teleserye na “Tanging Mahal”.

Malaki ang age gap nina FPJ at Maricel sa pelikulang “Batang Quiapo”, so hindi namin sure kung bagay si Julia na makapareha rito ni Coco dahil sa itsura ay mukhang hindi naman nagkakalayo ang mga edad nila.

Although kung pagbabasehan ang age ay 14 years ang gap ni Julia sa 38-anyos na si Coco, so baka puwede rin.

Ang tanong: Sa pagbabalik kaya ni Julia ay sasabihin niya ang totoong dahilan kung bakit siya nawala siya nang matagal sa sirkulasyon at nanatiling tahimik sa lahat ng isyung naglabasan?

Aaminin na kaya siya finally kung totoo ngang may anak na sila ni Coco?

2018 pa ang huling serye ni Julia na “Asintado”, so buong taon last year ay wala siyang ginawa. Anong pinagkaabalahan niya nu’ng mga panahong hindi siya nagpapakita?

Nitong nakaraang MMFF ay dyowang-dyowa ang dating ni Julia kung maka-promote siya sa social media ng filmfest entry ni Coco.

Napag-iwanan na siya nang milya-milya ng kasamahan niya dati sa “Goin’ Bulilit” at kapanabayan sa “Mara Clara” na si Kathryn Bernardo, ang reigning box-office queen of Philippine movies.

Malayo-layo ang hahabulin ni Julia kaya kailangan niyang bumawi this year. Pero kung totoong naging isang ina siya nu’ng 2019 ay okey lang dahil ibang klaseng blessing din ang pagkakaroon ng baby.

PAK!!