Abante Tonite Interactive

LIZA, MATUNOG NA DARNA!

By
16

AYAW kumpirmahin ni Direk Erik Matti ang narinig naming tsika na si Liza Soberano na ang gaganap na Darna ng Star Cinema.

Text sa amin ni direk Erik, “Wala pa akong ba­lita. Sa ABS na ang decision.”

Sinundan namin ng tanong kung totoong nagka-casting na sila dahil malapit na itong simulan.

Sabi ni Direk Erik, “Mga peripheral cast pa lang inaayos namin.”

Marami ang nag-aabang kung sino na talaga ang gaganap pagkatapos na in-announce ng ABS-CBN 2 na hindi na ito puwedeng gawin ni Angel Locsin dahil sa kalusugan.

Ang daming nagpa-survey. Sina Liza at Nadine Lustre ang nanguna sa mga nagpapa-survey sa social media.

Meron ding ipinu-push sina Pia Wurtzbach at Yassi Pressman.

Si Sarah Geronimo, agad na nagpahiwatig na hindi niya keribels ang sexy costume ni Darna.

Si Kathryn Bernardo, may teleseryeng La Luna Sangre. Hindi siya tahasang umayaw, nguni’t hindi pa ito ang panahon upang lunukin niya ang mahiwagang bato.

Iyong ibang fans ni Angel, nag-alburto.

Gusto pa nilang mag-rally na dapat kay Angel pa rin ito ibigay, at huwag na lang gawin kung hindi rin lang si Angel ang magbibida.

Eh si Angel mismo ay nag-post na tanggap niyang hindi na siya pwedeng mag-Darna, at masaya siya sa kung sino man ang kapalit niya sa proyekto.

Marami rin ang nakaobserba na mukhang palusog nang palusog si Angel kaya parang ang bigat niyang Darna kung sakali.

Pwedeng magpapayat, at kayang gawin ‘yan ng Kapamilya actress.

Pero meron pa rin kasi naming narinig na kuwento kung bakit hindi na siya ang magda-Darna.

Maliban sa karamdaman, may ibang anggulo pa raw.

Kaya naglabas ng announcement ang ABS-CBN 2 na hindi na siya ang gaganap.

***

Sa Lunes ay mag-iikot sa mga bus terminal ang ilang board members ng MTRCB.

Magkakaroon sila ng inspection sa Cubao terminal sa Lunes, April 10, at sa April 11 naman ay sa Sampaloc, Manila.

Bahagi ito ng information at dissemination campaign ng MTRCB kung saan kailangan nilang ma-check kung sumusunod ang mga bus operators ng rules and r­egulations na dapat ay Rated G o PG ang mga pelikulang ipinapalabas nila sa mga bus na sinasakyan ng mga pasahero na nagsipag-uwian sa mga probinsya para doon mag-Semana Santa.

Sa Lunes nang umaga ay iikutin nila ang Cubao Terminal kung saan mag-check sila sa Araneta Center Cubao Terminal Station, Baliwag Transit, Genesis Transport at Jam Liner.

Kinabukasan ay sa Maynila sila at mag-iikot sa Sampaloc terminal na kung saan nandu’n ang Farinas Transit, G.V. Florida Transport, Dalin Liner at Victory Liner, Inc.