Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza na-miss ang amoy ni Enrique

0 499

Bagama’t lagi lang sa kanya-kanyang bahay ngayon ang reel and real sweethearts na sina Liza Soberano at Enrique Gil, surprisingly ay nage-enjoy naman daw sila ngayon sa tinatawag na “new normal.”

“Actually, medyo nagugustuhan ko nga ‘yung time rito sa bahay, eh,” sabi ni Quen sa Facebook live interview nila ni Liza sa ABS-CBN’s Pantawid ng Pag-ibig.

“I think the most thing we take for granted is actually being at home and staying with our family and with our loved ones and to be able to be here with them and spend actual quality time with them. Ang sarap,” ani Quen.

Bago nangyari ang Enhanced Community Quarantine noong Marso ay super-busy raw sila sa taping ng Make It With You kaya bihira nilang makasama ang pamilya.

Kaya ani Liza, dahil sa ECQ ay nagkaroon siya ng time to catch up with her family.

“But of course, there’s a lot of adjustments kasi hindi rin naman kami sanay na lagi kaming nasa bahay lang. So, nakakapanibago lang na we’re always at home and we really don’t have much to do, so I had to adjust by being productive, naghahanap ako ng ways, so that I don’t think too much about the pandemic, about what’s going on in the world right now,” ani Liza.

Kaya nga raw napagdesisyunan niyang bumalik sa school para maging busy siya.

At dahil sa quarantine, ayon kay Quen ay nagluluto na si Liza at sobrang sarap daw ng mga niluluto ng girlfriend especially ang pasta nito.

Related Posts

Ani Liza, mas lalo raw siyang nai-inspire magluto kapag nagugustuhan ni Quen at ng family niya ang kanyang niluluto.

When asked kung ano ang na-miss nila sa isa’t isa noong ECQ, sey ni Quen ay ‘yung panonood nila ng movie ni Liza, pagkain sa labas at pagpunta sa beach.

Sey naman ni Liza, ang sobrang na-miss niya ay ang amoy ni Quen.

“Na-miss ko ‘yung amoy ni Quen saka ‘yung pag ano, pag nagha-hug siya,” ani Liza na ikinakilig ng host ns si DJ Jai Ho.

Nang tanungin kung ano ang nilu-look forward nila sa mga natitirang buwan ng 2020, pabirong sabi ni Quen na wag na raw 2020 at sa 2021 na lang daw.

“Wag na, next year na tayo,” natatawang sabi ni Quen.

Dagdag pa niya, “I think, worst year of my life, 2020. Pero ang magagawa na lang natin is to pray, hope for the best and stay at home, be responsible, magdasal at magsama-sama lang tayo.”

Ayon naman kay Liza, “I’m just looking forward na maka-bounce back lahat, our economy, everybody who is suffering right now, who’s going through a lot, I’m just looking forward to brighter days and I hope it comes soon. I hope, hindi natin kailangan mag-antay till 2021, para kahit paano, we can still make us of the rest of 2020.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.