Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza, Nadine, Bea aasawahin

0 94

Nakakabaliw na ang salitang Filipino na “aasawahin” super trending sa Twitter. Bored in the house na ba talaga ang millennials kaya bet na bet na nilang sumali sa go forth and multiply challenge? Wala bang naitulong sa mental health nila ang white sands sa Manila Bay? Ang savage! Hahahaha!

Ang jojowain at aasawahin, may pinagkaiba ba? Tama ba ako na ang jojowain, si Ivana Alawi. Ang aasawahin si Kathryn Bernardo. Maliwanag ba ba ang pagkakaiba o nagugulumihanan pa rin kayo? Si DJ Loonyo kaya ang tanungin natin tungkol kay Alawi kung jowa ba o asawa level?

Si Nathalie Hart, jojowain ba? Pero ang aasawahin, si Liza Soberano. O ayan, crystal clear na example ba iyan? Hindi niyo pa rin maarok. Ang brain cells niyo, exaj na sa bagal, huh.

Si Sanya Lopez, tipo bang jojowain. Ang aasawahin, si Nadine Lustre. Getz na? Hindi pa rin?

Related Posts

Last na halimbawa. Si Julia Baretto, jojowain ba? Ang aasawahin, si Bea Alonzo. Ayan! Cuentas claras na di ba?

Ang jojowain, parang trophy girlfriend. Pangyabang sa tropa. Parang maikli lamang ang shelf life ng relasyon. Maximum na ‘yung one-year.

Ang nakakaloka, ang homme sa mga jojowain, walang nakikitang “I want to grow old with you,” “be the mother of my kids” at mas lalong walang “for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part” na sacred vows.

Kaya sa mga babaing mambabasa namin sa TONITE, ano ang mas bet niyo, ang ituring bilang jojowain o sambahin bilang aasawahin? Yung totoo? Spin a win! (Alwin Ignacio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.