Abante Tonite Interactive

Liza nag-sorry sa pagiging ‘racist’

649

Ang hirap nga sigurong maging isang Liza Soberano. One day, toast of the town kasi nga devastatingly beautiful ka sa isang ball. Sunod na araw, dahil sa excited kang ibahagi sa iyong follower ang iyong Mel B look, may nag-aakusa agad na racist at prejudicial sa mga African-American.

Sana man lang, kung sino ang feeling bagong bayani na ito, sinaliksik muna na niya ang katotohanan. Na isa sa mga katauhang ginampanan lamang ni Soberano si Mel B sa nasabing patalastas. Alam naman nating tisay si Liza, hindi ba, so ang dapat bang solusyon dito maghanap ng babaeng African-American ang balat na dapat kamukha ng dalaga?

Parang napaka-imposible naman, at kahangalan on the part of the concerned and bleeding for men and women na hindi fare ang skin na umarte na as if he or she even knows what is she talking about.

Ang opisyal na pahayag ni Liza sa Twitter tungkol sa kaganapan: “Before everything gets out of hand I would like to apologize for those affected by my comments about the whole ‘black face’ issue. It wasn’t of my intention to mock anyone of any culture or ethnicity.

“I understand that this is a sensitive topic and that I should’ve kept my mouth shut. For now on I will try to be more educated about matters like this to make sure I don’t make careless mistakes like this again in the future.”

Liza dear, your only careless mistake here is sharing your photo na nauunawaan ko naman kasi nga ang ganda-ganda mo with an Afro hairdo and olive skin. You had said your piece. Huwag mo na pasikatin pa ang hindi nilalang na ‘yan.

Maine-Carlo winner ang patikim

Matapos kong mapanood ang bagong teaser ng “Isa Pa With Feelings” kung saan bida sina Carlo Aquino at Maine Mendoza, I think we have a winner in this one.

Siyempre naman, hindi nito makakabog ang kita ng “Hello, Love, Goodbye” kaya huwag magpaka-ambisyosa pero hindi puwedeng ikaila na papalo ito sa takilya. Ang mga kritiko, mamahalin ito at ang mga nanalig sa kakayahan ni Mendoza bilang aktres, tiyak na malulugod.

Ang ganda na glossy ang cinematography. Na palpable ang chemistry nina Aquino at Mendoza. Gusto namin ‘yung may element ng pas de deux na nagsasayaw ang dalawa at ‘yung reveal sa huli na ang Aquino’s character ay people with hearing loss.

Sa clip rin, the camera was able to capture the charms na meron ang dalawang bida.

Someone told me na this is not the usual romantic comedy. May dark and sad undertones rin ito. Kung hindi mababago ang orihinal na script, director Prime Cruz has an ace up his sleeves.

Habang tinitipa ko ito, nakaka-115K plus na ang views para sa teaser.

Video ni Lloydie ‘di kapansin-pansin

Mukhang film direction ang bagong mundong nais tahakin ni actor in sabbatical John Lloyd Cruz. Sa kasalukuyan, parang ang kanyang artistic playground ay ang magdirek ng mga video.

Ang man behind the video “Saturnine Never More” para sa bandang Sugar Free. Ang emote ng dyowa pa rin ni Ellen Adarna tungkol dito: “There’s nothing significant about my videos. They are all passive and almost very easy to ignore. They are moments and sights profoundly undermined by greed and fakeness. They are my excuse to look away and ask further.”

Mapapanood ba si Lloydie sa Sugar Free video? Kayo naman, dapat ba lahat i-spoon feed? Saliksikin at i-share para naman tumaas pa ang views, huh! Iyan ay kung may pagmamahal kayo kay JLC at sa Sugar Free.