Abante Tonite Interactive

Liza nagutom sa BTS Concert

303

Ni Rona Ronda

Sa wakas ay nakita na ng aktres na si Liza Soberano ang iniidolong K-pop group na BTS. Mag-isa pang bumiyahe si Liza patungong Seoul, South Korea para lamang makapanood ng concert ng sikat na grupo.

Hindi na naitangging naging emosyonal siya nang masilayan ang grupo. Super iyak daw siya dahil naalala niya ang lahat ng experience niya sa States.

Hindi umano kasi siya nakadalo sa nakaraang concert ng grupo sa Wembley sa London dahil nakatakda siyang sumailalim sa surgery. Ang ending ay nanood lang siya sa V Live at umiiyak.

Ibinahagi niya ang kanyang naging journey sa Instagram at ipinost ang ilang video clip mula sa concert.

Samantala, ibinahagi niya ang kanyang naging journey sa Instagram at ipinost ang ilang video clip mula sa concert.

Caption niya sa post, “Some of my favorite moments from LY: Speak Yourself the finale. This trip and experience has given me a deeper meaning and appreciation to what ‘fan girling’ is.”

Sa kanyang naging experience, mas lalo umano niyang na-appreciate ang kanyang mga fan na matiyagang naghihintay para sa kanya. Bilang fangirl katulad niya, naranasan niya roon na pumila nang ilang oras nang walang kain at maupuan.

“While waiting in line for many hours out in the cold with nothing to eat and no where to sit I started thinking about my fans and what they have to go through just to get a glimpse of me. Words can never express how grateful I am to each and everyone of you. I’m proud to be a fan of such talented people and I’m proud to have fans who are the most loving and understanding people i’ve ever met. I’ve got the best of both worlds.”

Ito ang kauna-unahang beses na umalis siya ng bansa na mag-isa. Sa una ay hindi pa siya pinayagan ng boyfriend na si Enrique Gil dahil sa pag-aalala pero kalaunan ay hindi na siya napigilan.

Tonite – Wendys Inhouse Ad