Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza nakaiskor sa TV5

0 239

NI: ARCHIE LIAO

Iniintriga ngayon si Liza Soberano.

Magmula kasi nang mag-rant siya tungkol sa bad service ng isang internet service, maraming celebrities din tulad nina Bela Padilla at Julia Barretto ang nagreklamo sa bagal ng kanilang internet .

Nagpalit si Liza ng internet provider na pinuntahan pa ang aktres sa bahay para i-address ang kanyang concern.

Katunayan, after na maayos ang kanyang internet, puring-puri naman ng aktres ang serbisyo ng bago niyang internet provider.

Dahil dito, maraming bitchy netizens at kibitzers ang nagsabing naka-libre ng advertisement o product plug ang naturang internet provider sa pagpapalakas ng client base nito through Liza.

Meron ding nang-uurot na dapat daw magpasalamat si MVP sa hindi direktang pag-eendorse ng kanyang kumpanya.

Sa ginawa raw ng aktres, siguradong good shot at may plus points na siya kung sakaling tatalon siya sa TV5.

Dahil napabalitang may offer noon na gumawa ng show ang perennial loveteam partner ni Enrique Gil sa TV5, posibleng maging apple of the eye ng business tycoon pagkatapos na kontratahin nito noon ang mga big stars tulad nina Sharon Cuneta, Aga Muhlach at Derek Ramsay some years ago.

Leave A Reply

Your email address will not be published.