Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza pinaglaban ni Cong

0 154

Ipinagtanggol ni House Deputy Speaker at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang aktres na si Liza Soberano matapos na ituring na komunista o mabiktima sa ‘red-tagging’ dahil sa paglahok nito sa online forum na inorganisa ng Gabriela youth arm, isang samahan ng kababaihan sa Pilipinas.

Sa isang statement, sinuportahan ng solon ang paninindigan ng aktres para sa kababaihan at kabataan lalo na ang mga biktima ng sexual exploitation.

“We admire Liza’s courage and for speaking up against the abuses faced by women and children. We hope that she would continue this advocacy and see the broader picture of what problems and faces of oppression are faced by many,” ayon kay Zarate.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil dito, buwelta ni Zarate sa mga bumabatikos sa aktres na walang masamang magsalita para sa mga naapi at inaaabuso.

“What is wrong though is keeping silent against it or ignore others who are committing them. We should never be indifferent to injustice,” giit ni Zarate.

Nagsalita si Soberano kamakailan sa Gabriela Youth webinar “ Mga Tinig ni Nene: Reclaiming Our Voices on the International Day of the Girl Child” na kung saan naging emosyonal ang aktres nang alalahanjn ang babaeng nahaharap sa isang ‘gender-based struggles’.

Matapos ang naturang pagsalita ng aktres ay tinuring na siyang isang komunista ng isang vlogger na may pangalang Maui Becker.

Leave A Reply

Your email address will not be published.