Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza protektado ang mga bata

0 330

Si Liza Soberano ang pinakabagong Ambassador ng Save the Children Philippines. Inanunsyo ito ng mismong organisasyon sa kanilang Facebook page last Thursday.

Sa video na ipinost ng Save the Children Ph ay makikita si Liza expressing her gratitude for being chosen for the role.

Sa caption ay nagpasalamat din ang Save the Children Ph kay Liza sa pagpayag na maging Ambassador nila.

“As we mark our 40th year in the Philippines, we are pleased to welcome and introduce Liza Soberano as our newest Save the Children Ambassador. ❤Thank you for taking on this important role, Liza!” caption ng post.

“I’m proud, honored, and delighted to be the newest ambassador of Save the Children Philippines!” ani Liza sa video.

Dagdag ng aktres, 2016 pa lang daw ay silent supporter na siya ng organisasyon nang ma-discover niya ito online.

“Actually, I didn’t know that they had a Philippine counterpart here. And I started sponsoring some kids in Uganda,” she said.

“I’m really happy and honored to be a part of this organization because I myself have witnessed the change that they have brought upon children and their lives and I can attest to all of the good that they have been doing and we can really guarantee that their best interest is for the children, and I’m just so honored to be working with a family who shares the same interests as me,” dagdag pa ni Liza.

Looking forward na raw siya sa mga field works na gagawin niya sa Save the Children Ph.

Vice takot bumalik sa ‘It’s Showtime’

Nagbalik na sina Vice Ganda and It’s Showtime co-hosts para sa bagong episode ng programa ngayong nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang ang NCR+.

Sa recent fresh episode nga ay inamin niyang takot na takot siya na pumasok muli since mataas pa nga rin ang bilang ng COVID-19 cases.

“Kagabi, nag-text sa akin si Anne (Curtis), kasi alam niyang papasok na tayo. Sabi niya, ‘sis, hindi ka ba natatakot?’ Sabi ko, ‘natatakot! Super-takot! Pero kailangan kong paglabanan ‘yung takot ko, mage-extra ingat na lang.’ Sabi ko, ‘how can I let our family down?’ Sabi kong ganu’n,” ani Vice.

Patuloy pa niya, “pag nilamon ako ng takot at hindi ako pumasok, eh di mawawalan din ng ganang pumasok ‘yung iba – sina Vhong, kayo lahat.”

Kaya raw nilabanan na lang niya ang kanyang takot.

“Sa pagkakataong ito, kahit natatakot ako, kailangan nating mag-lead (by example),” sey niya.

Hiniling na lang daw niya kay Anne na ipagdasal na lang sila dahil nga papasok na sila.

“Di ba, nakakatakot naman talaga pero pag sama-sama tayo, mas nakakalakas ng loob natin,” aniya.

Sinegundahan naman ni Kim Chiu na talagang pag si Vice Ganda ang magli-lead ay susundin talaga nila.

“Pag hindi mo sasabihin, hindi namin gagawin. Parang ganu’n. Pag hindi ka papasok, hindi kami papasok,” ani Kim.

Sa pagbabalik ng It’s Showtime ay nagkaroon din ng pa-tribute ang mga hosts kay Vice dahil sa katatapos lang na birthday nito noong March 31. Ngayon sila nakapag-celebrate sa show since puro replays nga ang inere nila buhat nang tumaas ang kaso ng COVID-19 at pagkatapos ay nag-ECQ pa.

Adarna solb sa pag-aalaga ni Ramsay kay Elias

As a mom, masayang-masaya si Ellen Adarna sa nakikitang closeness ng anak niyang si Elias Modesto sa fiancé na si Derek Ramsay.

“I think, if they weren’t close we wouldn’t be here right now, we couldn’t be engaged, parang we’re still boyfriend girlfriend and it won’t get here,” sabi ni Ellen in a recent interview.

At bilang lalaki nga ang kanyang anak, natutuwa rin si Ellen na kayang-kaya ni Derek na makipaglaro sa bagets tulad ng mga pang-boys na laro.

“Derek is very good with kids, and it’s good that he have a lot of energy to play with kids, and he’s very athletic because I don’t know how to play with the boys so I told him that before, I really don’t know to play with them like yung takbo takbo, like yung cars cars na ganyan, hindi ko yan trip,” she said.

Ayon naman kay Derek, happy siya to spend time with Elias at ito raw ang bagay na na-miss niya sa kanyang anak na si Austin.

“Siyempre, nakakatuwa I mean, it’s hard kasi with my son, I missed out those years, I’ve always loved kids, I really love and enjoy kids,” he said.

Dagdag pa ng aktor, siyempre ay okay na okay sa kanya na maging number 2 siya kay Ellen dahil si Elias daw dapat ang priority nito.

“So of course yung priority, and I told Ellen that her priority should be Elias and I’ll always be number two and I’m okay with that and that’s what I want to be.

“Ako naman, I have to work on both relationships because theirs apart from each other, it’s just perfect na talagang magkasundo kami ni Elias and he seems to be, that he’s very attached to me,” sey ni Derek.

Natutuwa rin daw siya maganda ang relasyon nila ni Elias at may tiwala sa kanya ang bata.

“It’s hard for a kid to get out of his comfort zone… and it only goes that he trusts you and it shows he trusts me, it’s nice that we share that kind of relationship and Ellen trusts Elias with me and she knows I will take care of him and love him. So I’m here playing the favorite uncle, trying to be anyway,” sabi ni Derek.

Leave A Reply

Your email address will not be published.