Abante Tonite Interactive

Liza sabik sa ‘pagkadyot’ ni Enrique

2,097

Sa panayam kay Liza kamakailan, ibinahagi ng aktres ang nakakatawang pinag-awayan nila ng boyfriend.

Pinipilit kasi niya ang aktor na sumayaw sa ASAP subalit hindi naman magawa ng kanyang dyowa dahil sa sobrang pagka-busy.

Ang dahilan pala kung bakit gusto niyang pasayawin si Enrique Gil ay dahil namimiss na niya itong makitang sumayaw sa stage. Nasabik siyang makitang muli ang paghataw, pagkadyot at pitik ng aktor sa pagsasayaw.

Siyempre, talagang kahit na sino ay mamangha kapag sumayaw na ang aktor. Hindi lang naman sa pag-indak sa stage namamangha si Liza kundi sa pagiging mapagmahal ni Enrique sa pamilya.

Napakabait umanong anak ni Enrique sa kanyang ina at mabait na kuya sa mga kapatid. (Rona Ronda)