Abante Tonite Interactive

Liza sobrang pressured sa ABS-CBN Ball

0 460

Aminado si Liza Soberano na napi-pressure na siya sa upcoming ABS-CBN Ball na gaganapin na this Saturday (Sept. 14). Ang taas kasi ng expectation sa kanya ng mga tao lalo na sa kanyang looks na nagti-trending naman talaga taon-taon. Isa talaga siya sa mga pinakaaabangang artista kapag ganitong event.

“I can never really say that I’m fully excited for the ball because I feel there’s so much pressure,” sabi ni Liza nang ma-interview siya ng press kamakailan sa isang event.

Nang may mag-comment na trending siya every year, tila lalong nahiya si Liza and said, “that makes me more nervous, because I don’t want to let people down, of course, but I also don’t want their expectations to get in to my head.”

She continued, “because it’s really… I feel like the Ball is supposed to be something that the management, Star Magic, and all of us artists, we come together as one just to celebrate and you know, to mingle along with each other.”

Pero ‘yun nga, habang dumadaan daw ang mga taon, parang mas lalo siyang nape-pressure kapag dumadating ang Ball.

“I don’t know, eh, for some reason, parang mas nape-pressure ako nang mas nape-pressure. I just want to enjoy and spend time with them and like, gain new friends sana,” sey niya.

Of course, given nang sila ng boyfriend ni Enrique Gil ang magkasamang dadalo sa ABS-CBN Ball 2019.

Marco umariba sa pag-exit ni James

Tinatawag ngayong “man of the hour” ang Viva Artists Agency (VAA) talent na si Marco Gumabao dahil sa rebelasyong pagganap niya sa pelikulang “Just a Stranger” with Anne Curtis.

Of course, sobrang happy si Marco at aniya ay hindi raw niya inaasahang magiging ganito kaganda ang feedback sa kanya sa portrayal niya sa movie.

“It was actually a make-or-break project for me,” pahayag ni Marco sa pocket presscon niya sa Viva Films office last Tuesday, “because first of all, si Miss Anne Curtis ‘yung partner ko, so, kung baga, superstar agad ‘yung naka-partner ko, so I had to deliver well in my part, because alam ko, we all know na Anne’s gonna deliver, she’s gonna give her best.

“So, ‘yung pressure po sa akin is kung paano ko makakasabay sa kanya and kung paano… ‘yun nga, makakasabay and to keep up with her acting.”

Nahingan din ng reaksyon si Marco sa sinasabi ng iba na sa pag-exit ni James Reid sa Viva ay siya na raw ang bagong “apple of the eye” ng kompanya.

“Well, what can I say? Si James, ako, kaibigan ko si James and it’s sad to see him leave. Ang tagal na rin niya rito sa Viva. Pero we have to understand also na… wala, that’s life talaga.

“Minsan, may mga things na it doesn’t work out or what. Ako, I wish him well. Si James, isa sa mga ano ‘yan, I’ve been friends with him for the longest time.

“And ‘yun, I wish him well, and good luck sa career niya of course, and sa singing career niya.

“And ‘yung sinasabi n’yo na apple of the eye ng Viva, well, if ever that’s the case, basta ako, gagalingan ko na lang, sa lahat ng mga projects na ibibigay sa akin.

“Mami-miss namin si James Reid dito sa Viva,” pahayag ni Marco.