Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza sumabak sa Hollywood

0 388

Mukhang tuluy-tuloy na ang pangarap ni Liza Soberano na ma-invade ang Hollywood showbizness.

Ayon sa kanyang talent manager na si Ogie Diaz, though may career pa rin daw dito sa.Pinas, gusto pa rin daw i-pursue ng aktres.ang pangarap na maging isang international actress.

“Ang alam ko talaga ‘yun nga, iba na ang career na tatahakin ni Liza. May career pa rin siya rito pero gusto niyang magkaroon din ng opportunity sa Hollywood,” pahayag ng talent manager ni Liza.

“Ang importante ngayon kay Liza ay ang kanyang inner happiness at ‘yan naman ay nakikita ko sa kanya na happy siya inside, ‘yun ang importante,” dagdag pa ni Mama Ogs.

Hirit din niya na hindi pa hiwalay ang LizQuen.

“Ako naniniwala na sila pa rin (Enrique Gil) . Nagkataon lang na may family affair si Quen sa Spain . Basta ako naniniwala na friends lang si Liza at si James Reid.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.