Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza takot bumili ng b-day gift ni Quen

0 351

Ayon kay Enrique Gil, tahimik lang daw ang naging selebrasyon ng kanyang kaarawan last March 30. Of course, kasama niya ang girlfriend na si Liza Soberano at nag-lunch and dinner lang sila sa bahay kasama ang pamilya.

“It was good, I mean, another quarantine birthday 2 times in a row, from last year to this year again, it’s the same thing. It’s always, pag March, it’s always lockdown,” ani Quen sa recent online interview nila ni Liza with photographer Lester Villarama.

“I just spent time with family, my family and Hopie (Liza) too. We just had lunch and dinner, just with, you know, spend time with my family. I think, that’s the most important part for my birthday, anyway,” sey ni Quen.

When asked kung ano ang gift ni Liza sa kanya, ani Quen, “love” at natawa ang aktres na katabi lang niya.

Sagot naman ni Liza, “I don’t have a gift right now, kasi we can’t go out and it’s kinda scary like, I mean, I could order online but what can I order online? Like, what if it’s infected by COVID also” sabay-tawa.

Sey naman ni Quen, ang gusto lang daw niya sa birthday niya ay maging ligtas ang lahat.

“Actually, all I wanted for my birthday is everybody to be safe. ‘Yon, just safe and everybody just alive and here, you know, that’s all I want,” sabi ni Quen.

Pero nag-prepare naman daw ng food si Liza.

“She got my favorite food from China Blue, oh my gosh! Really, really good kind of food,” sambit ng aktor.

“No, I didn’t cook,” natatawang paglilinaw naman ni Liza. “I bought China Blue, that’s really good Chinese food.”

Pag-ayon naman ni Quen, “really good, oh my gosh, had duck and it was nice.”

Napag-usapan din nila ang bagong joint business ng LizQuen na HKT Essentials na ini-launch nila a month ago.

“We’re business partners now,” natatawang sabi ni Quen.

“We’re doing good,” sabi ng dalawa.

“Of course, we’re just a start-up company, so you know, but just for a start-up, even though we’re just starting, oh my gosh, we did really well,” pagbababalita pa ni Quen.

SM food to go Banner Ad

“Yeah,” pag-agree naman ni Liza, “we were able to reach all of our targets in one month. So, that’s good.”

Dahil nga sa essential products ang negosyo nila kaya talaga raw maganda ang takbo kahit may pandemic.

When asked kung kumusta sila as business partners, ani Liza ay hindi naman daw nakakapanibago dahil nga lagi naman silang magkasama sa trabaho eversince.

“It doesn’t feel like the first time for some reason. I guess, because showbusiness is kind of like a business in itself,” ani Liza.

Richard ayaw magmukhang bodyguard ni Heart

Malaki ang pasasalamat ni Richard Yap na naligtasan niya ang COVID-19 nang tamaan siya nito noong nagsisimula pa lang ang pandemic.

“I was one of the firsts who got it siguro. Ang hirap because at that time wala pang mga gamot, ‘tsaka walang pwedeng mag-asikaso sa ‘yo. You have to be all by yourself,” pagre-reveal niya sa kanyang panayam sa 24 Oras.

“So psychologically, it was really very hard. There was nothing I could do but pray,” dagdag niya.

Bagama’t nakaligtas na siya sa COVID-19, nalulungkot at nababahala pa rin daw siya para sa mga kababayan natin lalo pa nga sa mga kaibigan at kakilala niyang tinatamaan ng killer virus at binabawian ng buhay.

“It’s really very bothering and nakakalungkot talaga kasi ang babata pa nila and they have their whole lives ahead of them pero they’ve been taken away by this pandemic,” he said.

Ngayon ay balik-trabaho na si Richard para sa upcoming serye niya sa GMA-7 na I Left My Heart in Sorsogon with Heart Evangelista. Excited na nga raw siyang mag-taping sa Sorsogon lalo pa nga’t hindi pa siya nakakarating dito.

Kumuha pa nga raw ng personal trainer ang aktor para maging toned ang pangangatawan.

“Kasi, ang petite ni Heart, ang payat, she’s so sexy, I’m afraid that if I stand beside her, magmukha akong bodyguard niya,” sabi pa ni Richard.

He also confessed na ang buong pamilya niya ay fans ni Heart.

“My family is a big fan of hers, especially my daughter who’s an influencer, a vlogger. She looks up to Heart for ‘yung ano, fashion sense,” aniya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.