Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza tinalo si Kathryn

0 609

Nope! Hindi magkaribal sa jowa sina Kathryn Bernado at Liza Soberano, huh. Alam naman nating lahat na playing beautiful music sila with their respective loves, ang supremo Daniel Padilla kay Bernardo, at ang king of the Gil, si Enrique Gil naman ang kay Soberano.

Ang kabugan at karibalang kaganapan, ang paraminan ng followers sa Instagram, huh! Habang tinitipa ang pitak na ito, ang followers pala ni Queen Kath ay 13 million. Mas marami by a million ang followers ni Queen Liza, 14 million. Oh my gosh! War of the beautiful roses ba ito?

Dahil sa digits na ito, pwede na ba talaga nating sabihin na ang may chance na hiranging millennial movie queens ang dalawang dalagang ito? Sila ba ang susunod sa yapak ng apat na huling movie queens na sina Nora Aunor at Vilma Santos, Maricel Soriano at Sharon Cuneta?

Ang daming nangarap na tanghaling reyna ng pelikukang Pilipino after the four pero hindi nila na achieve ang alamat, awards at estrella ng Superstar, Star For All Seasons, Megastar at Diamond Star, sa true lang.

Laging almost there but not quite, some fine samples are Vina Morales versus Donna Cruz. O ang Judy Ann Santos versus Claudine Baretto versus Jolina Magdangal. And after the three, marami ang nagdabog ang in a major, major way matapos iproklama na si Bea Alonzo ang this generation’s movie queen, hindi ba naman?

Kaya, sina Kathryn at Liza ba talaga ang tunay na deserving na maging makabagong reyna ng pinilakang tabing?

Kung sila nga ang pagtatapatin at pagsasalpukin, hindi ba kaabang-abang talaga ang pagiging magkaribal nila sa karera?

SM food to go Banner Ad

Sino kaya ang mas bet na makatrabaho ng mga award winning young at seasoned Pinoy directors? Sino kayang screenplay writers na walang maisip na gawing bida sa mga pelikula nila kundi si Kathryn o si Liza? Sino ang mas bongga ang filmography? Kanino ang mas maraming besty actress trophies? Eh sino naman lagi ang mag-re-reyna sa takilya

Wow! Tiyak na magiging epic ang tapatang Kathryn Bernardo at Liza Soberano. Ito ang giyera pataning talagang kaabang-abang at walang tapon.

FPJ kakaiba ang paggunita
Ibang klaseng celebration ang ginawa ni Sen. Grace Poe para sa ika-81st birthday ng kanyang yumaong ama, si National Artist Fernando Poe Jr.

At paano naging kakaiba ito? Aba, si Sen,Poe, super donate ng 50 electronic tablets para sa mga mahihirap na estudyante na sasabak sa online at blended learning sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Pahayag nito: “Tiyak kong matutuwa si FPJ para sa tulong na ito sa mga kabataang lubos na nangangailangan lalo na ngayong tayo’y may kinakaharap na malaking health crisis. Noong siya’y nabubuhay pa, madalas niyang sabihin at ipakita na mas malapit sa puso niya ang mga mahihirap nating kababayan.

Ang recipients ng tablets ay ang Don Quintin Paredes High School sa Lungsod ng Quezon para ipamahagi sa kanilang mga estudyante.

Say pa ni Sen. Grace: “Sa panahong ito, hindi dapat maiwan sa pag-aaral ang mga kapuspalad nating estudyante dahil lang wala silang kakayahang bumili ng sarili nilang tablet para sa online education.”

Bukas na kasaysayan naman ang pagtulong ni FPJ sa lahat at si Senador Poe, ay pinagpapatuloy ang legacy ng kanyang ama.

Aniya pa: “Sa kanyang mga pelikula noon, siya man ang pinakabida pero ipinapakita rin na kailangan niya ang tulong ng mga tao, ng mga ordinaryong tao, para magtagumpay. Ganyan din tayo ngayon, kailangan nating magsama-sama para makabalikwas mula sa problemang dulot ng COVID-19.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.