Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ogie tumalak sa ‘rape’ kay liza

0 234

Kinumpirma ng manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz na nakikipag-ugnayan na sila sa isang law firm kaugnay ng “rape comment” ng isang female employee ng Converge kung saan ay pinatatamaan umano ang aktres.

“Pinag-uusapan na namin ng lawyer niya (Liza),” ani Ogie sa kanyang latest YouTube vlog update. “Meron kaming law firm na inatasan namin to look into this matter kung anon’g legal na aksyon ang pwede naming gawin.”

Ang female employee ay nanganganlang Melissa Olaes na nag-comment sa isang post ng katrabaho niya ng ganito: “Wala tayong magagawa, wala ng trabaho kaya di bale ng masira ang image, magkapera lang. sarap ipa-rape sa mga….ewan!”

Of course, inalmahan ito ng mga fan ni Liza at maging ng aktres mismo at marami ang nagpayo na hindi ito dapat palampasin.

Ayon pa Ogie, okay lang kung nilait lang si Liza pero ‘yung magkomento ng “sarap ipa-rape” aniya ay lumampas na sa guhit ang empleyado lalo pa nga’t babae rin ito.

“Hindi natin binibira rito ‘yung Converge kungdi ‘yung ilang tauhan ng Converge na hindi nagpapakita ng magandang asal sa kanilang mga customers,” ani Ogie.

Mensahe pa ng talent manager/radio and TV personality sa empleyado, “ka-babae mong tao, teh! Nakakaloka, kahit mga bakla, hindi sasabihin ‘yan! At nakakahiya, may anak ka!”

Naglabas na rin ng statement ang Converge tungkol dito at nagpahayag na hindi nila ito-tolerate ang ganitong aksyon ng kanilang empleyado sa mga customers.

Nag-post na rin ng apology letter ang female employee sa kanyang Facebook account pero hindi ito nagustuhan ng kampo ni Liza dahil wala raw binanggit na pangalan kung kanino nagso-sorry.

“Nagso-sorry siya sa kanyang naging asal pero hindi siya nagso-sorry sa aggrieved party, kay Liza Soberano,” sabi ni Ogie.

Nilinaw rin ng talent manager na kung sakaling magsasampa sila ng kaso ay kay Olaes lang at hindi damay ang Converge.

Leave A Reply

Your email address will not be published.