Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liza walang balak tumakbo sa Senado

0 131

Aminado si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino-Seguerra na napakaraming nagtatanong sa kanya at mga nakikipag-usap para tumakbo siya sa sa Senado or sa Kongreso sa darating na 2022 elections.

Sa pagpapalit kasi ng administrasyon after the elections ay matatapos na rin ang kanyang termino bilang head ng FDCP at ngayon pa lang ay marami na rin ang nagtatanong sa kanya ng mga plano niya.

“May mga pino-float sa amin na discussions, I would say. Nothing final. But I don’t see myself as qualified to run for Senate or Congress because I feel what I did in FDCP is an executive position that allows me to manage an agency with people.

“So, creating laws is a totally different field, di ba? Parang it takes a lot of experience para makarating ka do’n,” ani Liza sa virtual mediacon kahapon para sa launching ng Philippine Film Industry Month event ngayong Setyembre.

Diretso rin niyang sinabi na ang gusto niya sana if still given the chance ay magpatuloy pa rin as FDCP chair.

“Siguro ako, kung bibigyan ako ng chance, I would like to continue with FDCP or you know, be able to support siguro a different government agency that would benefit from this kind of commitment I have for public service,” aniya.

“Hindi talaga ako politician. Kung baga, ginawa ko ‘to kasi alam ko na may mission ako. So, gusto kong lahat ng ginagawa ko is because of a mission,” dagdag pa ni Chair Liza.

Sa limang taong panunungkulan ni Liza sa FDCP ay talaga namang hindi matatawaran ang kanyang mga nagawa at kahit nga pandemya ay wala pa rin siyang tigil sa pagsusulong ng mga proyektong makakatulong sa industriya ng pelikula.

Hiling lang niya sa kung sinumang papalit sa kanyang pwesto na sana raw ay ipagpatuloy pa rin ang nasimulan niyang mga proyekto sa FDCP.

Samantala, ang latest project naman ngayon ni Liza ay ang first ever Philippine Film Industry Month sa bansa na magsisimula ngayong Sept. 1 na mismong si Pres. Rodrigo Duterte ang nagdeklara bilang suporta nito sa film industry.

“We have so much lined-up for Philippine Film Industry Month. Talaga naman pong ang #teamFDCP ay very dedicated and committed to come up with initiatives and projects para po masuportahan ang iba’t ibang pangangailangan ng ating sektor,” she said.

Iprinisinta rin sa nasabing mediacon ang hitik na hitik na schedule para sa Film Industry month mula Sept 1 hanggang Sept. 30.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sa Sept 1, uumpisahan po natin ‘yan by having an event. It’s a virtual event, it’s a 1-hour virtual show to kick off Phil. Film Industry Month to be streamed on the FDCP Channel,” ani Liza.

Ilan sa aktibidades sa Sept. 1 ay launching ng Nood Tayo Sine Campaign, relaunching of Cinematheques at announcement of Full Circle Lab Philippines 2021 projects.

Alex subscriber ang dyowa ng snatcher

Nabiktima ng mga kawatan si Alex Gonzaga nang mahablot ang kanyang cellphone habang nasa Guadalupe siya. Mabuti na lang at maraming tumulong sa kanya para mabawi ito.

Nag-post si Alex sa kanyang Twitter account na ikinukwento ang nangyari and at the same time ay nagpasalamat sa mga pulis na tumulong para ma-recover niya ang cellphone.

Ayon sa kwento ni Alex, hawak ng kasama niyang si Sofie ang kanyang cellphone nang hablutin ito

Bukod sa mga pulis ay pinasalamatan din ni Alex ang driver niya na hinabol agad ang snatchers at pati nga raw ibang motorista at mga nasa kalsada ay nakihabol din. Nahuli naman daw ang isa sa mga snatchers.

“Salamat din talaga sa driver ko, kay Kuya Arvi, kasi hinabol n’ya ‘yung mga snatcher at maraming motorista and mga kapwa na nasa kalsada ang nakihabol at tulong sa paghuli ng isa sa mga snatchers,” saad ni Alex.

Parang nai-imagine nga namin na mistulang eksena sa pelikula ang nangyaring habulan.

Sa huli ay nagpasalamat din si Alex sa asawa ng snatcher na subscriber pa niya.

“And lastly salamat sa asawa ng snatcher ko dahil subscriber daw pala sila!”

Pagtatapos pa ni Alex, “thank you Lord! Marami pa rin talaga ang mas mabubuti at matulungin na kapwa natin.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.