Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lizares bobomba sa Cagayan

0 90

Magpapakitang gilas para sa kanilang ‘binyag’ sa 2021 Beach Volleyball Republic (BVR) on Tour ang Negros Occidental Beach Volleyball Club na kakatawanin nina Bianca Lizares at MJ Ebro ng Team Delimondo.

Magsasanib pwersa sa unang pagkakataon sina Lizares at Ebro para sa nasabing koponan sa first leg ng BVR on Tour sa Santa Ana, Cagayan na nakatakdang humambalos sa Oktubre 22-25.

Hindi na bago si Lizares sa club beach volleyball makaraang humampas noon na rin para sa Sta. Lucia at Creamline na nag-econd runner up sa 2019 Philippine Super Liga (PSL) at sa 2018 BVR on Tour Bantayan Island leg.

Sa kabilang dako, lumaro naman noon para sa Cignal HD beach volleyball si Ebro at nagging bahagi rin ng matagumpay na University of Santo Tomas beach volleyball program.

Aariba naman para sa men’s squad sina Deanne Neil de Pedro at Eljhay Ronquillo. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.