Abante Tonite Interactive

LizQuen huling linggo na ang pakikipagtuos

436

tonite-this-is-it-roldan-castroMasusubok ang pa­ninindigan at ipinaglalaban ng mga ‘Bagani’ sa patuloy nilang paglaban sa kasamaan para mailigtas ang Sansinukob mula sa pagkawasak sa huling linggo ng Bagani.

Nanganganib na ma­bura ang lahat ng buhay sa Sansinukob kapag hindi napuksa ang halimaw na nananalaytay sa loob ng katawan ni Ganda (Liza Soberano).

Patuloy namang naglalakbay si Ganda kasama si Lakas (Enrique Gil) para hanapin ang Puso ng Sinukuan, na nana­natiling mailap ka­ya’t wala pa ring kasiguraduhan ang kinabukasan ng kanilang mundo.

Abante Hiring – IT dep

Bagama’t nagkakaisa na ang buong Sansinukob laban kay Malaya (Kristine Hermosa), ang siyang nagtanim ng halimaw kay Ganda, nana­nalaytay pa rin ang takot at pangamba nila para sa kanilang kaligtasan bawat sandaling hindi nakukuha ni Ganda ang lunas ay lumalakas ang halimaw sa loob niya.

Kaya kayang isakri­pisyo nina Lakas, Lakam (Matteo Guidicelli), Dumakulem (Makisig Morales), at Liksi (Zaijian Jaranilla) ang buhay ng kapwa nila Bagani para sa ikabubuti ng Sansinukob? Mahanap pa kaya nina Lakas at Ganda ang lunas bago maging huli ang lahat?

Tumutok lang sa hu­ling linggo ng “Bagani” para malaman kung ano ang kahihinatnan ng Sansinukob at ng mga bayani nito.

Erich lalaban para sa ina

Hiwalay mang lumaki at hiwalay man ang loob sa umpisa, magkasamang la­laban bilang isang pamilya sina Agatha, Carrie, at Erika (Erich Gonzales) upang iligtas ang kanilang ina sa pagtatapos ng ‘The Blood Sisters’ ngayong linggo.

Alang-alang kay Adele (Cherry Pie Picache), magsa­sanib-pwersa ang tatlong mukha at magpapanggap bilang si Agatha mula ulo hang­gang paa upang ma­kuha ito mula sa mga kamay nina Rocco (Jake Cuenca) at Fabian (Dante Rivero).

Sa kabila naman ng pagkakadawit ni Agatha sa sindikatong nagpahamak sa kanilang buong pa­milya, nagawa siyang patawarin ng kanyang mga kapatid at binigyan ng panibagong pagkakataong patunayan ang sarili.

Ito ang unang beses na nagkasundo ang magkakambal sa iisang ha­ngarin, matapos ipakita ni Adele ang pagmamahal sa anak nang isugal niya ang sa­riling buhay mapalaya lang si Aga­tha mula sa sindikatong nagbabantang ubusin ang kanilang pamilya.

Paano uutakan nina Agatha, Carrie, at Erika ang mga tusong kaaway? Mailigtas kaya ng magkakapatid ang kanilang ina?

Mas maaksyon at kapana-panabik na eksena ang dapat na abangan ng mga manonood sa eksplosibong pagtatapos ng serye na sinubaybayan nang anim na buwan sa buong bansa.

Tampok sa The Blood Sisters ang unang pagganap ni Erich bilang triplets. Bukod sa pagi­ging pinaka-challenging ng role, wala ring katapusan ang mga papu­ring nakukuha ni Erich dahil sa epektibong pagganap niya sa tatlong magkakambal.

Tutukan ang huling linggo ng The Blood Sisters sa ABS-CBN.

Kaycee kaaya-aya

Naging finalist ng Miss Global Philippines 2018 si Kaycee Dacquil. Siya ay kinatawan ng Tumauini Isabela.

Dala-dala niya ang magandang values ng pamilya. Positive thinker din siya bilang babae. Kayaa-aya ang kabuuan ng kanyang katawan.